Song: if this is the last time- LANY
Argue
"So, what did you get for me, Zia?" tanong ni Sven at sinubukang silipin ang paper bag na dala ko.
Agad ko itong nilayo sakanya at masama siyang tiningnan.
"Sa 24 mo pa malalaman! 'Wag kang excited!"
Sven sneered at me and tried to snatch the paper bag away from my hand again. He chuckled because he finally got me pissed.
"Ano ba! Hindi ka ba makapaghintay para sumilip ka ng sumilip diyan?"
From the corner of my eye, I saw Isaias rolling his eyes at us. Nakahalukipkip siya at tamad lang na nakatingin sa labas ng bintana habang papauwi kami galing ng mall. Napailing siya at pinasak nalang ang earphones sa tainga.
Silang dalawa ni Sven ang magkasama kanina habang namimili. Humiwalay ako dahil ayaw kong makita nila ang ibibigay ko para sa kanila.
Itong si Isaias, quotang-quota na sa regalo galing sa akin ah? Parang last month lang nagbigay ako, tapos ngayon magbibigay ulit? May perks din pala kapag isang buwan bago ang pasko ang birthday.
"Magbibigay ako ng clue sa regalo ko sa'yo." Sabi ni Sven.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Talagang may paganyan pa siya! Hindi ba siya makapaghintay na mag-24? Ilanga raw nalang naman ah?
"Whenever you'll open it, you'll remember me."
Mas kumunot naman ang noo ko. His usual gift to me were always accessories. Minsan iyong libro na gusto ko. Ano naman kaya ang binili ng isang 'to?
"Paano kapag binuksan ko nga pero hindi naman ikaw ang naalala ko?"
Sven gasp. Napahawak pa siya sa dibdib niya, mukhang na-offend sa sinabi ko.
"You're heartless!" he said exaggeratedly. "Bakit? Kung sakaling hindi ako, sinong iisipin mo? Si Fred?"
I rolled my eyes at him. Ayan na naman siya.
"Ano naman kung oo?"
Bumuka ang bibig niya at mapang-insultong tumawa.
"Seriously, Zia? Anong nakita mo sa pa―" he stopped midsentence when I glared at him again. "Sa payat na 'yon?"
"Hindi na payat si Fred ngayon."
"Oh right! He knows how to go to the gym na nga pala. I wonder how he looks like on his first day inside the gym. Baka nabagsakan 'yon ng barbel sa mukha kaya naging gano'n kapa-"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sunod-sunod na hampas ang ginawad ko sakanya. Patuloy naman siya sa pag-sangga sa mga hampas ko habang tumatawa siya. Nang dahil doon ay nasisiksik niya sa gilid si Isaias.
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
Roman d'amourHe was my soulmate who wasn't meant to be.