Chapter Twenty

5.7K 186 19
                                    

Song: Older Than I Am- Lennon Stella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Older Than I Am- Lennon Stella

Advice

"Afghanistan!? Anong gagawin natin doon, e, mas kailangan tayo sa Syria?" nagugulohang tanong ni Axel.

"I told you, General Donovan already got it covered. You really think he's just going to dispatch us to another place without a concrete plan? Dumbass." Sipat naman ni Jaxon sa kanya.

Umangat ang gilid ng labi ni Axel sabay masamang tiningnan si Jaxon. Jaxon only gave him a mocking smirk. Nag-umpisa nang mag-inisan ang dalawa.

Heto na naman po tayo...

Ganyan sila palagi. Kahit noong nasa Syria palang kami, sila na palagi ang magkaasaran. Kaya 'di na nakakapagtaka kung sila talaga ang mas malapit sa isa't isa, e.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kung siguro 'di pa ako pumagitna sa kanila, 'di na matatapos ang panunuya nila sa isa't isa.

"Tama na nga 'yan," sabi ko at tsaka tiningnan si Jaxon na hindi pa rin naalis ang ngisi sa labi. "Bakit sa'yo binigay 'yung mission? Pupwede namang kay Captain Flores tutal siya rin naman ang nakadestino talaga roon."

"Because the mission involves his eldest daughter. General Donovan entrusted me of their security in Afghanistan. A group of doctors are also going to be with her so General Donovan really made sure that he's going to provide them a maximum security during this mission."

"So... basically the General just asked you to babysit his daughter and her friends?" Si Axel.

Mabilis na lumingon si Jaxon sa kanya at masama siyang tiningnan. Napairap ako at kinuha ulit ang atensyon niya.

"So, what do we have to do?"

"Babysit General's daughter as well. Tig-isa tayo sa mga kaibigan niya." Parang tangang sagot ni Axel.

Nilingon ko siya at tamad na tiningnan. Nang mapansin niyang wala akong panahon sa mga kalokohan niya ay dahan-dahan siyang umatras at tinaas ang dalawang kamay, sumusuko na. Binalik ko ang tingin kay Jaxon.

"He just wants me to take charge of their security in Afghanistan. Parehas padin naman ng trabaho natin sa Syria ang gagawin natin doon. But the difference is, General Donovan's daughter is going to be with us so we have to be extra careful."

"Pumayag na ba 'yung anak ni General?" tanong ni Axel.

"Yes, that's why I called you both over so we can talk about our plan. General gave me time to think about this offer since he still wasn't sure about his plan. But you know that I can't say no to him so I agreed."

Lumapit si Axel sa lamesa niya habang punong-puno ng pag-dududa ang mga mata.

"Can't say no ba talaga? O baka kaya mo tinanggap dahil kasama iyong anak ni General?"

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon