Chapter Thirty

6.2K 221 32
                                    

Song: hope ur ok- Olivia Rodrigo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: hope ur ok- Olivia Rodrigo

Investigate 

Kahit nakaalis na kami ng palasyo ay bumabagabag pa rin sa isip ko ang sinabi ni Axel.

Hindi... hindi totoo 'yon. Nag-iingat lang talaga ako hindi dahil may nararamdaman pa rin ako kay Sven kung hindi dahil ayaw ko nang masaktan pa ulit.

Hindi totoo 'yon. Wala akong gusto. Wala.

Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa isip ko. It's annoying that this voice is distracting me while I'm in the middle of doing my job.

Si Axel kasi, e! Kung hindi niya sana sinabi 'yun edi hindi sana babagabag nang ganito sa akin 'yon!

At kailan pa siya natutong mag-salita ng gano'n? I didn't know he had it in him. Iba na nga ata ang epekto ni Aria sa kanya.

Napailing na lang ako at sinubukang 'wag nang isipin pa iyon. Maliit na bagay lang naman iyon at hindi na dapat iniisip pa.

Habang papalapit ang pag-bubukas ng atelier ni Aria, mas napapadalas ang pagbisita ni Sven sa Malacañang. May isang beses na roon kami natulog pero bago mangyari 'yon, nag-inarte pa siya at gusto akong palipatin sa ibang kwarto.

"Sinabi ko ngang hindi, e! Bakit ba ayaw niyong sumunod?" tumaas na ang boses niya ngayon.

Lumapit naman si Aria sa kanya para pakalmahin siya. Pero... hindi pa rin siya tapos!

"But, Aria, she's going to sleep in a room full of men! Siya lang ang babae doon! Baka kung ano pa ang gawin-"

Hindi ko na siya hinayaang magpatuloy.

"They won't harm me, Sir. I've been working with them for a long time now and no one-" hindi ko na rin nagawang ipagpatuloy iyon dahil pinutol niya rin ang sasabihin ko.

"Shut up. I don't need your reason. I want you to get out of here and find yourself a place to sleep!"

Nabigla ako sa sinabi niyang iyon. What the hell is his problem now? Alam kong nakipagkita muna siya sa mga kaibigan niya kanina bago siya magtungo rito. Nakainom ba siya at kung ano-ano na ang sinasabi niya ngayon? Malakas ba ang naging tama sa kanya noong wine na ininom niya?

He's ridiculous...

Magrarason pa sana ako kaso sumingit na si Aria para hindi na mag-amok itong pinsan niya. In the end, she offered her room for me. Kahit si Axel, pinilit na rin ako.

Tingnan mo nga naman! Ang bilis-bilis bumigay sa gusto ni Aria. Nakakahiya man, pero wala, e. Kaysa pare-parehas kaming marindi rito kay Sven!

Kahit na ayaw ay napilitan akong kunin ang gamit ko. I almost glared at Sven when he looked at me.

"Pasensya na sa abala. It's not our intention to disturb you all from resting. It's just that my cousin didn't like the idea that his first love-" hindi na naituloy pa ni Aria ang sinasabi niyang iyon dahil mabilis na tinakpan ni Sven ang bibig niya.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon