Chapter Twelve

4.8K 154 8
                                    

Song: If They Only Knew (Stripped Back)- Alfie Arcuri

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: If They Only Knew (Stripped Back)- Alfie Arcuri

Justice 

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kung pwede lang hilingin na sana panaginip lang ang lahat ng ito, ginawa ko na. Pero hindi... hindi ko inaakala na dadating ako dito sa punto ng buhay ko na kailangan kong masaksihan itong nangyayari.

Hindi ko inaakala na makakagawa si Papa ng bagay na ganito.

I was shaking terribly as I watch him get nearer to Tita Astrid. Ang mag-ama ay nahihirapang makalapit dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Gusto kong gumalaw... pero parang may pumipigil sa akin.

"'Wag..." that only came out as a whisper.

Mabilis na tumulo ang luha ko dahil sa takot na ituloy ni Papa ang ninanais niyang gawin. Hindi ko akalain na sa hinaba haba ng panahon na namasukan siya sa mga Castellaño, magagawa niya sakanila ang bagay na ito.

Nakita ko ang pagkasa ni Papa ng baril. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sikapin na gumalaw na mula sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang pigilan. Pero nang makita kong itinutok na niya ang baril kay Tita Astrid, naestatwa ulit ako.

He was about to pull the trigger when I screamed.

"Papa! 'Wag!"

Agad na napabaling ng tingin sa akin si Papa sa pagkabigla. Nakita kong nanginginig ang kamay niya, nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba 'to o hindi. His eyes soften when he looked at me. I shake my head to tell him to stop whatever he's planning.

Papa, please... hindi maganda 'tong ginagawa mo.

My tears are falling non-stop. Sinubukan kong muli na makalapit ngunit natigilan lang nang napansin ako sa likod ni Papa. My eyes widened when an armed man appeared behind him. May takip ang mukha nito kaya hindi ko rin makikilala kung sino.

Parang planado ang lahat... sinakto talaga sa araw ng court hearing na mayroon si Tita Astrid. At pakiramdam ko, may alam si Papa sa planong iyon. Who is he working for now? At bakit ganito? Bakit nagawa niyang traydorin ang mga Castellaño pagkatapos ng lahat ng mabubuting ginawa nila sa amin?

Sa nanginginig na tuhod, sinubukan kong lumapit upang isalba ang sariling ama.

Nakita kong napansin na rin ni Sven ang nangyayari kaya sinubukan na niyang makalapit. Kahit siya ay mukhang nabigla rin nang makitang tinututukan ni Papa ng baril si Tita Astrid. Ngunit kahit anong pilit niyang makalapit... mukhang huli na rin ang lahat.

"Mama!"

"Astrid!"

Sigaw at hinagpis ang bumalot sa buong paligid nang tuluyan nang humandusay si Tita Astrid sa sahig dahil sa tama ng baril. Nanghina ang tuhod ko nang makita siya na duguan na at nag-aagaw buhay. Napasinghap ako.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon