Chapter Eighteen

5.2K 185 16
                                    

Song: Don't Stop- Cobi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Don't Stop- Cobi

Opportunity

"Oh ano, Zia? Kaya pa?"

Agad naman akong napabaling sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nagulat pa ako nang bigla akong sabayan ni Kiko sa pag-jogging.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pag-takbo. Narinig ko ang pag-tawa niya nang mapansin niyang binilisan ko ang pag-takbo.

"Wait lang naman!" reklamo niya at hinabol ako.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko.

Tumigil ako upang habulin ang hininga. Nakapameyang kong tinaasan ng kilay si Kiko.

"Mag-jogging din. Bawal ba?"

"Hindi naman."

"Nasaktohan ko lang na narito ka rin pala. Baka isipin mo sinusundan kita ha? Ano ba, Zia, 'di tayo talo."

Tumawa pa siya at pabiro akong siniko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Sinasabi mo riyan, Kiko?" iritable kong tanong.

"Luh! Joke lang! Ayoko na nga. O, eto, tubig. Baka uhaw ka na."

Inabot ni Kiko sa akin ang isang bote ng tubig. Tinitigan ko lang ito bago ko muling inangat ang tingin sa kanya.

"Mayroon ako sa bag."

Bumuka ang bibig niya at sinubukan na mangiti nalang bago ibaba ang kanyang kamay.

"Ah... gano'n ba? Sige..."

Kinamot ni Kiko at batok niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Siguro nahiya sa pag-tanggi ko sa offer niya. Totoo naman kasi na mayroon akong tubig sa bag at hindi pa naman ako gaanong nauuhaw dahil ilang minuto palang naman ang nakakalipas simula nang mag-jogging ako.

Hindi ko maiwasang mapanguso habang pinapanood siyang mahiya sa ginawa niya. Parang baliw talaga 'tong isang 'to, e.

I sighed and rolled my eyes. Nagulat naman siya nang bigla kong hablutin ang tubig sa kamay niya. Walang kahirap-hirap ko itong binuksan at ininom ang tubig.

Sa gilid ng aking mga mata nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa. Namimilog pa ang mga mata at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"A-Akala ko b-ba..." medyo nauutal niya pang sinabi.

"Nauuhaw na pala ako," excuse ko. "Una na ko."

Tumalikod na ako at iniwan si Kiko roon na naestatwa pa ata sa pwesto niya. Bahagya akong natawa at napailing.

Nilingon ko naman siyang muli at nakitang napakurap pa siya nang mapansing nawala saglit ang kanyang isip sa kasalukuyan. Ginulo niya ang kanyang buhok bago mag-simulang mag-jogging.

Pag-baling kong muli sa track, nagulat nalang ako nang bigla akong mabunggo sa kasalubong kong nag-jojogging din.

Agad akong napahinto bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig. Mabuti nalang din at nakahawakan noong nakasalubong ko ang braso ko kaya nagawa kong makapag-balanse ulit.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon