Chapter Eleven

5.1K 165 22
                                    

Song: exile- Taylor Swift ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: exile- Taylor Swift ft. Bon Iver

Gun 

Tahimik naming pinagmamasdan nila Sven at Isaias ang magandang pang-gabing langit dito sa hardin ng mansyon nila. Napukaw ng isang maningning na buwan ang aking atensyon.

I raised both of my arms up and created a box using my index finger and thumb. I closed my left eye and focused my fingers on the star that I have noticed.

"Gusto kong maabot 'yon." Sabi ko. Naramdaman ko naman ang pagbaling ng tingin sa akin ng magkapatid.

"Sa liit mong 'yan, imposible." Biro ni Sven.

Bumagsak ko ang aking mga kamay at masama siyang binalingan ng tingin. Si Isaias naman tahimik lang na tumatawa.

"Epal." Sambit ko bago tumingala muli upang tingnan ang bituin.

I smiled to myself. Nakakaenganyo pala kahit papano itong ginagawa namin. Tahimik lang pero alam mong may mga sari-sariling iniisip.

Nang mapansin ko ang bituin na iyon, agad na pumasok sa isip ko ang pangarap kong maging abogado. Malayo pa ang tatahakin ko bago ko makamit iyon pero kung itutuon ko ang pansin ko sa pangarap kong iyon, posible ko rin iyong maabot.

Dreams really do come true if we are determined and focused enough to reach them. Ika nga nila, wala namang imposible sa mundo.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang prom. Tuwang-tuwa si Mama nang malaman niyang tinanghal akong prom queen. Si Tita Astrid agad kaming kinuhanan ni Isaias ng litrato dahil sa sobrang excitement.

Sobrang unexpected talaga! Hindi naman ako umaasang manalo kaya nagulat nalang ako nang tawagin ang pangalan ko habang kasayaw si Sven.

Speaking of Sven... hindi ko parin pala alam ang totoong rason kung bakit bigla nalang siyang nag-gate crash sa prom namin. Mabuti na nga lang at walang sumuway sakanya na faculty member kahit na may nakakita sakanya.

Was he really that bored? Wala ba siyang magawa dito na kinailangan niya pang magpunta sa prom para lang mapawi ang boredom niya? Ibang klase din talaga siya, e, 'no?

"Finish up your food, Prom Queen." Ani Sven nang mapansing hindi ko pa nauubos ang hinandang pagkain para sa amin.

Nilingon kong muli ang lamesa at nakitang kakapiranggot nalang ang natitira sa plato ko. Habang ang dalawa, simot na simot na. Mukhang nasarapan nang husto sa luto ni Mama ah?

Ngumuso ako at sinamaan muli siya nang tingin nang tawagin niya akong "Prom Queen". Simula talaga nang manalo ako, iyan na palagi ang tawag niya sa akin. Siguro bilang nalang sa daliri iyong instances na tatawagin niya ako sa pangalan ko!

"Ikaw, Prom King? Nakailang love letters ka this week?" Si Isaias naman ang pinagtripan ni Sven ngayon.

Ngumisi ako habang inuubos ang natira kong pagkain. Saksi ako nang mga natatanggap na love letters ni Isaias ngayong linggo. Masyado atang maraming nahumaling sakanya simula nang manalo din siya.

The End of It All (Castellaño Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon