Song: The Truth Untold- BTS & Steve Aoki
Cold
Pagkatapos kong ipaalam kay General ang tungkol sa naging desisyon ko, dumiretso naman ako pauwi sa kanila Lola upang sabihin din sa kanila ang tungkol doon.
Wala akong kasiguraduhan na magugustohan nila ang ginawa kong iyon. Pero hindi naman nila kailangang magalala. Kaya ko naman ang sarili ko. Matagal na.
At isa pa, kailangan din nilang malaman. Wala namang masama kung sasabihin ko sa kanila ang tungkol doon. Mas mabuti na rin iyon dahil mas mapapalapit ako sa kanila gayong dito lang naman sa Pilipinas ang misyon.
Dito, kaya ko silang tawagan at bisitahin tuwing may oras. Hindi kagaya noong nasa Syria ako na halos araw-araw ata silang nagaalala sa akin dahil hindi naman ako madalas makatawag sa kanila.
Nagmagandang loob si Kiko na ihatid ako pauwi sa amin. Noong una ayaw ko pang tanggapin pero kalaunan ay napa-oo na lang ako dahil makulit siya.
"Tara na! Isabay na kita. Mag-gagabi na pati. Baka punuan na sa bus. Baka wala ka nang maupuan!"
"Hindi 'yan. Pipila na lang ako hanggang sa may maupuan na ako."
Sumimangot siya. Pinaglaruan niya ang susi ng sasakyan niya, mukhang nag-iisip pa ng panibagong pangungumbinsi.
"Maghihintay ka pa ng matagal, e, nandito naman ako..."
Agad na umangat ang isa kong kilay nang nilingon ko siya. Hindi siya makatingin sa akin at nagpatuloy lang sa pag-simangot.
"Ayos lang talaga, Kiko. Salamat sa offer pero mapapalayo ka pa nang dahil sa akin. Ilang oras din ang byahe."
"Iisang way lang naman din ang dadaanan natin ah? Okay lang 'yun!"
"Nakakahiya. Matutulog lang ako buong byahe."
Tumawa siya, mukhang nabuhayan ng loob.
"Okay lang! Komportable sa sasakyan ko. Kung gusto mo sa backseat ka para sure na mas komportable kang makakahiga."
Bumuka ang bibig ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya kapilit na ihatid ako pauwi ng Quezon. Ang kulit din ng isang 'to, e. Masyadong malayo ang kanila kaysa sa amin pero nangungulit na isabay niya raw ako.
Bored ba siya? Wala rin ba siyang ibang gagawin sa kanila? Mas pinipili niya pa atang bumyahe na lang ng ilang oras para ihatid ako, e.
"Masyado ka nang gagabihin ng uwi kung ihahatid mo pa ako sa amin, Kiko. Ayos lang."
Ngumuso siya, mukhang nagtatampo na. Ngunit agad din namang napalitan iyon ng ngisi nang may naisip siyang isasagot.
"E, kung gagabihin ako masyado pupwede namang sa inyo muna ako matulog!" he suggested.
Tinaasan ko siya ng kilay at hindi makapaniwalang tiningnan. Hindi naman nawala ang ngisi sa labi niya.
"Para-paraan ka lang."
BINABASA MO ANG
The End of It All (Castellaño Series #2)
RomanceHe was my soulmate who wasn't meant to be.