Chapter 10

1.4K 50 4
                                    


Chapter 10: Fall in love


-DYLAN ALFORD's POV-

"Hindi pwede, kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya tas eentra ka agad!? Nako Elyne sinasabi ko sa'yo!"

Narinig kong sabi ni Elyne sa loob. Hindi niya siguro alam na rinig ang boses niya hanggang dito. I sighed at tumayo na ako. "What the hell are you doing?" Saway ko sa sarili ko.

Nagulo ko ang buhok ko. It's crazy but I am really attracted to her, gusto kong nakikita ang bawat galaw niya. I am seriously the worst man now, para akong nagtu-two time sa ginagawa ko but I tried to love Nathalie, just when I thought na kaya ko na siyang mahalin ay pumasok sa buhay ko si Elyne. I realized I'm wrong, pinilit ko ang sarili ko.

Now, I feel like I want her every moment.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga.

Seriously? Ano ba 'tong iniisip ko? Syempre mabibigla si Elyne, I shouldn't say anything. I should stop this nonsense.

-ELYNE FERRER's POV-

"But,just hurry up and and fall in love with me."

Tumayo ako sa kama,hindi ako nakatulog kahit isang pikit lang,paulit-ulit nagri-replay yung nangyari kagabi. Tamad akong pumasok sa banyo at tinititigan ko yung sarili ko sa salamin, ang itim ng ilalim ng mata ko.

"But,just hurry up and fall in love with me."

Kinuha ko yung toothbrush at nilagyan ko ng toothpaste tas binasa ko uli at sinubo ko yung toothbrush—"AH! PWE! BA'T LASANG SABON-- *napatingin sa hawak niyang shampoo* SHAMPOO PALA YUNG NALAGAY KO PWE! PWE!"

Agad kong nagmumog at hinilamusan ko yung buong mukha ko.

"But,just hurry up and fall in love with me."

"But,just hurry up and fall in love with me."

"But,just hurry up and fall in love with me."

"But,just hurry up and fall in love with me."

Inuntog ko ang sarili ko sa pinto ng paulit-ulit. "Bakit mo ba ginugulo ang utak ko?" Inuntog ko uli ng malakas at natumba ako. "Aw! Masakit pala." Hinimas ko ang noo ko.

=***=

"Ba't ang laki ng eyebags mo Chef D? 'Di ka ba natulog?" Napatingin ako sa may area nila Chef Gwapo dahil sa lakas magtanong nito ni Rina, akala mo nasa kabilang ibayo 'to si Chef Gwapo.

Pero.. Hindi din siya natulog?

"Oh! Ang laki din ng eyebags mo, Elyne! Tignan mo Chef D! Palakihan ba kayo ng eyebags? Oooh~ Hindi ka siguro nakatulog Elyne sa kakaisip kay Chef D no?" Umiwas ako ng tingin dahil sa pinagsasabi ni Rina.

FIRST KILL!

"O kaya naman nagkakagusto ka na kay Chef D, Elyne? Yiieee~"

DOUBLE KILL!

"O baka naman Chef D, umamin ka kay Elyne kaso ni-reject ka niya!"

GOD-LIKE-SUPER-SUPER-DUPER-KILL!

Nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi nito ni Rina. Parang pinana ako ng ilang daang pana with matching lason para mas effective ang talab! Juskopo!

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon