Chapter 8

1.4K 54 6
                                    


 Chapter 8: Pastry chef


Natapos na ang trabaho naming at ngayon ay nagkaroon ng welcome party para sa'kin. Emeged. Feel na feel ko talaga ang pagka-welcome sa'kin.

"Dahil sa successful na pagdating ni Elyne dito sa resort!" Tinaas naming yung mga baso na may laman na alak."Cheers!"

"CHEERS!" Sabay-sabay naming sabi.

Uminom lang kami ng uminom at nagkainan. "Ah,pa'no nga pala kayo nagkakilala ni Chef D,Elyne?" Tanong ni Gerald.Ngumuya muna ako ng pulutan at tumngin ako kay Chef Gwapo na nasa harapan ko.

"Ah, siya yung kasama ko ma-trap sa isang Isolated na Isla."

"HA!? NA-TRAPPED KAYO!?" Gulat nilang sabi at wag kayo sabay-sabay pa! Pwede ng pang-the voice. :'>

"Yes unfortunately." Tumango si Chef Gwapo.

"So? Kayong dalawa lang do'n?" Pagtatanong pa ni Rina. "Oo, dalawang linggo kami na-trapped, lumubog kasi yung cruise ship na sinasakyan namin." Paliwanag ko.

"Omg~!" Sigaw ni Kiri. "So may nangyari sa inyo? Impossibleng wala, dalawang linggo kayong magkasama at dadalawa lang kayo do'n, impossible namang ganon katibay ang hormones ni Chef D!" Nagtawanan sila.

Nagkatinginan kami ni Dylan at nag-flashback sa'kin yung muntik na kaming magkahalikan. Nag-init agad yung pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Nag-iwasan kami ng tingin at hindi na nagsalita.

"Teka, biglang tumahimik ang dalawang Chef natin!" Pang-aasar ni Andrew.

"Wag niyong sabihin na may nangyari talaga sa inyo? Anong nangyari?" Nae-excite naman na tanong ni Karl.

"WALA!" Sabay pa naming pagtatanggi ni Dylan.

"Nako Chef D, wag mong sabihin na ipagpapalit mo na si Ma'am Nathalie kay Chef Elyne? Sa bagay, mas bagay naman kayo ni Elyne, mataray kasi si Ma'am Nathalie." Uminom si Rina ng alak pagkasabi niya no'n.

"Pero mahal pa rin ni Chef D, that's how love works between them." Dugtong ni Kiri.

Napatingin ako kay Dylan na naka-iwas lang ng tingin at umiinom ng alak. Siguro nga mahal na mahal niya si Nathalie, hanggang diyan ka lang talaga Elyne.

"Wag ka ng malungkot Elyne." Inakbayan ako ni Andrew dahil katabi ko lang naman siya. Uminom lang ako ng alak. "Pag hindi ka pinili ni Chef, sa'kin ka na lang." Kinindatan niya pa ako.

Sa gulat ko sa sinabi niya ay nasamid ako. Sakit shet.

"Tingin nga,hindi ka nag-iingat." Nakatayo na si Dylan at hinawakan niya ang baba ko at inangat niya ito. Pinunasan niya ang ibabaw ng labi ko at sa may ilong ng tissue.

Nagulat naman ako dahil ang seryoso niya. "O-Okay na ako Chef Gwapo."

"Kahit kalian 'di ka marunong mag-ingat." Lumayo na siya at umalis sa upuan niya. "I'm going to take a shower, pagod na ako." At umalis na si Dylan.

Nakatingin lang silang lima sa'kin na nakanganga.

"Sigurado ba kayo na walang nangyari sa inyo nung nasa Isla kayo?" Nangingiting sabi ni Karl. "Baka may hidden relationship na kayo."

"H-Hidden Relationship? Wala, ano ba kayo may girlfriend yung tao."

"Feeling ko laging nag-aalala sa'yo si Chef D." Pahayag naman ni Rina. "At kanina tinanong niya pa ako kung okay ka lang ba sa trabaho mo." Dugtong niya pa.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon