Chapter 49

1K 28 37
                                    


Chapter 49: Finding their half

Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nagigising si Caleb. Halos hindi na nga ako umaalis baka sakaling dumilat siya at gusto ko na ako ang makikita niya sa kanyang paggising.

Si Hyera naman, umuwi na sa Manila dahil may urgent meeting sa trabaho niya.

Biglang may kumatok at nagbukas ang pinto. Napatingin naman ako at nakita ko ang Tatay ni Caleb na sumilip muna habang mahigpit ang pagkahawak sa isang basket ng prutas. Napangiti naman ako. "Hello po."

"Hindi pa rin siya nagigising." Tumango lamang ako sa kanyang saad.

"Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niyang palagi niyo siyang pinupuntahan." Pumasok na siya ng tuluyan at nilapag sa lamesa ang mga prutas. "I doubt." Napa-iling siya at natawa.

Lumapit ako sa kanya at kumuha ng ilang prutas para maghiwa. Umupo naman siya at tinignan si Caleb. Napatingin ako sa kamay niyang gumagalaw..Fuck. Gising na ba siya? Nagigising na ba siya?

Wait..I need to calm down, I need to help them understand each other.

Umubo naman ako para makuha ang atensyon niya. "Gusto ko po sanang malaman kung ano pong ugali ni Caleb dati."

Umayos siya ng upo at humarap sa'kin at tinitignan ang paghiwa ko sa mangga. Huminga siya ng malalim.

"Ang masasabi ko lang..Isa siyang masayahing tao at hindi nagbago yun hanggang ngayon. Even if I brought pain to him, nakakangiti pa rin siya. I'm glad that he's strong enough to live, that he's strong enough to be happy. Nagsisisi ako dahil hindi ako nagpakatatay sa kanya pero hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko bilang isang ama. I don't wish for his forgiveness, I just wish him happiness," Tumingin sa'kin ng diretso ang ama ni Caleb. "and you are his happiness, hija."

Namula naman ako sa kanyang sinabi at natawa lang siya. Kumuha siya ng manggang hiniwa ko at kinain niya ito.

Sumulyap ako kay Caleb..Then I saw tears falling from his eyes that are closed tightly.

Welcome back..


DYLAN ALFORD's POV

Ilang linggo na akong nakatunganga dito sa bahay. I can't contact Kristen. She really meant what she said.

Hindi ko siya masisisi kung gusto niya ng space dahil kahit ako naguguluhan ako sa sarili ko. I need a break from myself. Ang gulo-gulo ko. Ang gago ko. Why do I have to waver? Elyne is just a part of my memory but I didn't think that Kristen is my half.

Humiga ako sa sofa at pinatay ko yung tv. Tumingin ako sa cellphone ko.

No calls or texts.

I need Kristen to chat me so I can track where she is. Nag-aalala na ako sa kanya baka kung ano na ang nangyari. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagkainis at dinampot ko ang susi ng kotse sa lapag at mabilis na lumabas ng bahay.

Bahala na kung saan mapadpad basta mahanap ko siya.

I drove for miles. I ask strangers if they saw Kristen but none of them remembers. Hindi ko alam kung saan siya nagi-stay, impossible rin namang nag-ibang bansa siya. Hanggang sa napadpad ako sa isang cliff at may malapit na convinience store dito. Hininto ko ang sasakyan at nanatiling nakaupo habang tinititigan ang manibela.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa kotse.

Bumili ako sa store ng ilang bote ng alak at umupo sa may damuhan at tinignan ang buwang bilugan na nakadungaw ngayon.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon