Chapter 18

1.3K 40 5
                                    

  Chapter 18: Dylan's Father

    Lunch break namin at kanina ko pa pinagsasaksak sa utak ko yung pinsan ni Dylan, grabe naman kasi makayapos at makapulupot kay Dylan tinalo niya pa ako ang galing-galing lang talaga.

Tinuloy ko lang ang pagkain ko dito at pinilit kong wag na lang pansinin. Naririnig ko pa ang pagtawa nila Rina sa gilid ko.

Sumulyap sa'kin si Anne habang ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ni Dylan. Nginisian niya ako. Bruha talaga 'to! "So.. Magpapakasal ka na talaga kay Ate Nathalie? Then, you'll let go of her?"

Napatingin sila Kiri kay Anne sa sinabi niya. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Dylan habang si Andrew nagtatakang tumingin sa'min. "Anne."

"Why? Hindi mo papakasalan si Ate Nathalie?"

"No, I'm not going to marry her okay?" Nilayo ni Dylan ang braso niya kay Anne. Ngumiti ng mapang-asar itong bubwit na 'to. "So, isusuko mo na pala ang pagiging Chef mo?" Napatigil sa pagkain kaming lahat dahil sa sinambit ni Anne.

Huminga ako ng malalim..Nakita kong napa-isip si Dylan. Bakit ba kailangan niyang isuko ang pangarap niya para lang makasama ako? Ganito ba talaga kabigat yun?

Hindi nagsalita si Dylan at tumayo. "Tapos na ako kumain, babalik na ako sa shift ko." Lumabas naman si Anne.

"Ano yun? Anong sinasabi ni Anne?" Tanong ni Kiri sa'kin.

"Bakit may kasal na magaganap kay Ma'am Nathalie at Chef D?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Sarah. "Eh di ba kayo ni Chef?" Habol ni Ayna.

"Anong nangyayari Elyne?" Hindi ako makasagot sa tanong ni Rina..Hindi ako makasagot sa tanong nilang lahat, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Anne, at hindi ko rin alam kung bakit magpapakasal si Nathalie at Dylan, ang alam ko lang pinagkasundo sila at.. Hindi ko din alam kung anong meron sa'min ni Dylan..Hindi ko na alam.

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Edi magiging bridesmaid si Elyne." Singit naman ni Karl habang natatawa.Sinamaan siya ng tingin ni Kiri. "Karl, hindi nakakatawa."

Kinalma ko naman si Kiri dahil baka mag-away pa sila ni Karl ng dahil sa'kin, makikisingit pa ba ako sa relasyon nila? "Okay lang Kiri." Binigyan ko sila ng panis na tawa. "Baka maging bridesmaid nga ako."

"Elyne." Tumingin ng seryoso sa'kin si Andrew.

Tumayo ako. "Ano ba naman kayo! Napakaseryoso niyo masyado, malapit na ang shift natin magliligpit na ako." Lumayo na ako sa kanila at pumunta na sa likod para makapaghugas ng pinagkainan ko.

Bigla-bigla na lang akong natutulala kapag iniisip ko kung anong mangyayari sa'min ni Dylan. Maayos ba namin 'to? Hindi ko akalain na magkakaproblema ako ng ganito.

Lumipas ang oras at sa naging busy ang buong kusina sa dami ng customer at sunod-sunod nilang pago-order. Napatingin ako sa area nila Dylan habang tinitikman niya ang niluto niya, nakita ko siyang napangiti..At ang sakit.

Pa'no kung..Paano kung dahil sa'kin hindi na siya uli makangiti ng ganyan? Bibitawan niya ang pangarap niya dahil lang sa'kin?

"C-Chef Elyne.." Napatingin ako kay Andrew at pinunasan niya pisngi ko, doon ko lang nalaman na may luha na palang pumapatak sa mata ko. "A-Ay.." Nilayo ko sa kanya ang mukha ko at ako na ang nagpunas.

"Masakit lang ang mata ko ehehehe." Pinagpatuloy ko lang ang trabaho ko at hindi na ako tinanong pa ni Andrew kaya mas naginhawaan ako.

Kinagabihan, dahil sa hindi ako kaagad makatulog naisipan kong dalawin ang dagat.. White sand din dito, siguro nga mapagkakamalan mo 'tong boracay kaso mas tahimik 'tong lugar at masarap mamasyal. Pinakiramdaman ko ang malamig na hangin habang nakadungaw ang bilog na bilog na buwan.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon