Chapter 47

565 18 2
                                    


  Chapter 47: I am

   Alam ko iyak ako ng iyak..Nakatingin ako sa pulsuhan kong nagdudugo at isang kamay ang humawak sa balikat ko. "Elyne!" Nakita ko ang malabong imahe ni Caleb na sinisigawan ako.

  Napaupo ako sa lapag. What happened..?

  Did I just blackout? Halos wala akong maalala sa ginawa ko at paano ko ito nagawa. "Fuck..What did you do?" Hinawakan ni Caleb ang magkabilang pisngi ko at nakita kong tumulo ang luha niya.

  Humagulhol ako ng iyak at umalis siya sa harapan ko para kumuha ng isang panyong puti at ipinatong sa sugat kong pulsuhan. Lumabas si Caleb at maya-maya ay mga doctor na nagsipasukan dito. Pagkatapos ay nanlabo na ang paligid at tuluyan na akong nawalan ng malay.

  DYLAN ALFORD's POV

    Nabalitaan ko ang nangyari kay Elyne at sa kalagitnaan ng pagkain namin ni Kristen ay umalis ako para pumunta sa Hospital na natukoy. Pa'no ni Elyne nagawa yun sa sarili niya? Bakit? Nakaramdam ako ng takot sa kadahilanang baka mangyari kay Elyne ang katulad ng kay Kristen. Sinasaktan nila ang sarili nila dahil sa matinding depresyon na nararamdaman nila.

Alam kong mahirap at hindi maiintindihan ito ng mga taong may stable emotional foundation or strong emotional health. These type of people used to be strong but when you suddenly pull the trigger, they will explode and they will break inside and out.

  Pinapakalma ko ang sarili ko hanggang sa makapasok ako sa kwarto ni Caleb at may doctor at dalawang nurse na lalaki ang nakapalibot sa kanya at mukhang kinakausap pa siya.

  Hindi ako nakapagpigil at mabilis ko siyang kinuwelyuhan at inambaan ng suntok pero pinigilan ako ng mga nurse. "Wag po Sir!"

  "Let go of me!" Sigaw ko sa kanila. Tinignan ko si Caleb habang may galit ang aking mga mata. "Pag may nangyaring masama kay Elyne..Patawarin ako ng Diyos pero hindi ko alam ang magagawa ko sa'yo!"

  "Kill me if you want.." Walang buhay niyang sabi. "Mamamatay rin naman ako. I have two options: I will die because of illness or you will kill me."

  "Gago!" Tinulak ko yung dalawang nurse at lumapit kay Caleb. Sinamaan ko ng tingin ang mga nurse at hindi na sila lumapit at binantayan lang ako. "Ang gusto lang ni Elyne ay maalagaan ka! Gusto niyang gumaling ka but you act like a shitty frustrated kid who sulk in the corner when things get hard."

  Napangisi siya. "And you act like a shitty father who think that they know everything. Wala ka sa kalagayan ko! Wala kang alam sa nararamdaman at gusto kong protektahan!"

  Dinuro ko siya. "Protektahan?! Sino? Si Elyne? Paano? Oo, wala akong alam sa nararamdaman mo but you know, I will never get to the point that I will let the girl I love hurt herself just because of me! Ngayon.." Tinignan ko siya ng malamig dahil parang nawalan ako ng gana magpaintindi sa kanya. "..Ngayon mo sabihin sa'kin, paano mo mapo-protektahan si Elyne sa lagay mo ngayon? Hindi dahil sa may sakit ka kaya hindi mo siya kayang protektahan dahil sa duwag kang harapin kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap."

  Bumagsak ang kanyang balikat.

Lumabas na ako at dumiretso sa lugar kung nasa'n si Elyne. Kailangan niya ng taong masasandalan ngayon, yun lang naman siguro ang hinahanap niya.

   Sumilip ako sa isang kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa may sofa at nagtatali ng kanyang buhok. Napatingin siya sa'kin at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at ngumiti siya.

  "Maayos ka na?"

  Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya. "Maayos naman na ako. Konti lang naman ang nawalang dugo sa'kin." Tinignan niya ako ng may pagtataka. "Paano mo nalaman?"

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon