Chapter 16

1.3K 42 5
                                    


  Chapter 16:  Necklace


Nasa labas na kaming lahat at dala-dala na ang mga maleta namin. "Goodbye resthouse!" Kumaway-kaway pa si Sarah sa resthouse at sinasakay nanamin yung mga gamit naming sa likod ng Van.

"Okay lang yan may 2 days break pa tayo." Inakbayan ni Kiri si Sarah.

"Buti pa siya inaakbayan mo." Pagsisimangot naman nitong si Karl. "Baliw, syempre ikaw aakbay sa'kin." Natawa naman kami.

"Okay guys! Come in, let's go~!" Bumusina naman si Karl.

Ganon pa rin ang seats namin hindi nagbago, katabi ko pa rin si Dylan at katabi niya si Andrew, katabi naman ni Andrew si Rina. "I'm sleepy." Bulong sa'kin ni Dylan. "Sana pala dinala ko yung kotse ko."

"Bakit? Matutulog ka habang nagmamaneho?" Parang baliw talaga 'to.

"So I can kidnapped you." Bulong niya sa'kin. "Ay buti pala hindi mo dala." Tinawanan ko siya. "You stupid." Pinisil niya yung ilong ko.

Humikab ako. "Hindi ka natulog kakaisip sa'kin no?"

"Ikaw din naman." Bawi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at sumandal siya ng maayos, sinuot niya yung shades niya at ako nakatingin lang sa kanya. "Stop staring, sleep." Napangiti naman ako.

"May sariling mundo yung dalawa sa dulo oh!" Napatingin naman ako kay Sarah na nakalingon sa'min. Pinatungan ko ng bag yung kamay naming magkahawak para hindi nila makita. "Hoy anong meron ha? So secretive." Nakangising sabi sa'min ni Ayna.

"Hayaan niyo na yan, puyat yan." Singit naman ni Karl.

"Pfft," Narinig ko namang natatawa sila Kiri at Rina. Bwisit sila! Kinuwento yung ibang nangyari, siguro naalala nila yun! Mga loka-loka sila!

Napatingin ako kay Chef Gwapo. "Tumatawa ka ba?"

"Nope." Pero labas naman sa ilong niya! 

   Nakarating na kami ng resort at excited kaming naglabasan papasok, nakakapagod ang biyahe pero okay lang naman dahil masaya..Masaya dahil sa kanya. Napatingin ako kay Dylan na nakahawak sa kamay ko. 

   "Ano yan? Ano yan? What's the meaning of that?" Hysterical na pagtatanong ni Ayna nung nakababa na kami sa Van habang nakaturo sa kamay namin. 

   "Anong ganaaaaaaaaap!?" Sigaw nilang apat na babae. Nahiya naman ako bigla. 

  "Well.." Nagsalita si Dylan at sinulyapan si Andrew na nakatingin din sa'min. "Kung ano yung nakikita niyo, yun na yun." At hinila na ako papasok ni Dylan. Naiwang nganga sila dahil sa makahulungang salita na binitawan ni Dylan.

  Then, kami na? 

  Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. "Pagkatapos mo magligpit ng gamit mo.." Tumigil kami sa paglalakad malapit na sa kwarto namin. "Ano?" Tanong ko.

  "Can you come to my room? May ibibigay ako sa'yo." 

   "S-Sige." Umiwas ako ng tingin at hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka ako hinalikan sa noo. Lalong nagwala ang puso ko. Omg? Omg? Napapikit ako at lumayo na siya. "Bilisan mo." At pumasok na siya sa kwarto niya.

   Gustong-gusto ko ng tumili dito! Jusko! Jusko! Hinalikan niya ako sa noo--Parang ang big deal naman no'n hinalikan ka na nga niya sa labi eh. 

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon