Chapter 30

925 35 2
                                    


Chapter 30: In the basement

Hindi ko na kayang kontrolin ang galit ko dahil sa nangyari kanina, pwedeng maging kritikal ang lagay ni Dylan kapag nahuli ako sa pagkakatulak sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinahayaan ko pa rin si Kristen na gawin yun kay Dylan.

I really don't know how to deal with her. I can't just believe she's willing to hurt Dylan that much.

Nung natiyempuhan kong lumabas si Kristen sa tent kung saan ginagamot ni Tito Rod ang hiwa ni Dylan sa likod ay agad kong hinila si Kristen sa lugar na pwede ko siyang makausap ng masinsinan at seryoso. "Dahan-dahan." Mahinhin niya pang sabi.

"Pwede ba? Tigilan mo na nga yang pagpe-pretend mo?" Biglang bumagsak ang balikat niya at naglabas ng ngisi. "Bakit? Ibubuking mo ako?"

"Itigil mo na ang lahat ng 'to."

"At sino ka para sabihin sa'kin yan?" Ang ngiti niyang ang liwanag at ang sarap ibaon sa lupa. Ang plastik! "Kapag hindi ka tumigil, ako ang makakalaban mo."

"Dylan doesn't want you, you know. Sa ating dalawa, kahit na sabihin nating ikaw ang mahal ni Dylan..Ako pa rin ang pipiliin niya." Taas-noo niyang saad sa'kin.

"P-Pa'no ka naman nakakasigurado diyan?" Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Dahil sa tingin niya ay isa lamang akong mahinang babae na kailangan ang isang tulad niya." Tumalim ang tingin niya sa'kin. "So, stay put and don't ruin my plan."

"Hindi ako papayag na saktan mo siya! Sinadya mo yung kanina, alam ko. Nakita ko."

Sumimangot siya at tumingin sa'kin ng inosente. "I don't know what are you talking about."

Nakakainis siya! Nakakainis! Kumukulo ang dugo ko at gusto ko siyang bugbugin!

"Sisiguraduhin kong mapapatay ko siya..unti-unti..sa pinakamasakit na paraan.." Malumanay niya pang saad.

Ang kamay ko ay kusang tumaas at gusto ng lumapat sa pisngi niya ay napatig sa ere dahil sa lakas na nagpahinto rito..Nanlaki ang mata ko at kita ko na yakap na ni Dylan si Kristen habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

"D-Dylan..Magpapaliwanag ako..H-Hindi.." Pwersahan niyang tinaboy ang kamay ko at medyo nasaktan ako sa lakas na yun.

"Hindi ko alam, Dylan. Hinila na lang niya ako bigla at sinisisi niya pa rin ako sa nangyari kanina..Gusto niya akong saktan. Natakot ako." I was so shock to see Kristen crying in Dylan's arms. Parang nawalan ako ng lakas sa nakikita kong pag-arte niya.

Hindi ko na kaya! "Dylan! Sinadya niya! Can't you see!? She's pretending to be helpless para makapaghigati siya sa nagawa mo sa kumpanya at tatay niya! Wake up Dylan! Kailangan mong makinig sa'kin!" Pilit kong inaabot si Kristen para mailayo kay Dylan, kinakabahan ako na any moment pwedeng may mangyaring masama. "Lumayo ka sa kanya! Lumayo ka sa kanya Dylan please..!--"

Nagulat ako sa nangyari nung tinulak ako ni Dylan kaya natumba ako..Pinipigilan ko na lumabas ang mga luha ko..I just want to protect him all this time, so why I am the one who's getting hurt?

"Tumigil ka na!" Hindi ko makita ang dating mga mata ni Dylan. His eyes were so frustrated when he's looking at me. "Niligtas kita oo, pero hindi mo pinakinggan ang opinyon ko kay Caleb so may karapatan akong kampihan si Kristen. And I said it was okay! I said that it was an accident so why are you making a big fuss about it?"

"Iba 'to Dylan! Iba 'to! May masamang--"

"Please!" Pumikit ng mariin si Dylan at tinignan muli ako. "Stop. Please..If you know something, stop being curious. Hindi na kita guguluhin but please, nagmamakaawa ako, wag mo ng saktan pa si Kristen..Umalis ka na."

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon