Chapter 15

1.3K 53 5
                                    

   

Chapter 15: About us


  Inabot na kami ng gabi dito at tutal naman daw ay last day nanamin, napagdesisyunan naming mag-swimming dito dahil sayang naman kung hindi magagamit ang pool. Malamig nga lang dahil gabi at nasa tagaytay kami kung hindi ba kami maturingan na mga adik.

Ayoko talagang lumangoy dahil ang lamig brrr pero sila Kiri, Rina, Ayna, Sarah, Gerald at Karl hala ayan kala mo summer!

Umupo naman si Andrew sa katabi kong outdoor patio chair. "Hey, hindi ka ba magus-swimming?"

"Seryoso ka diyan sa tinatanong mo?" Natawa pa ako. "Hindi ka ba nilalamig?"

"Nilalamig pero sayang." Tumaas-taas pa ang dalawa niyang kilay. "Siguro maya-maya na lang." Sagot ko naman sa kanya.

Asan naman kaya yung Chef D na yun?

Sumandal ako sa upuan at nakaka-relax, pinikit ko ang mga mata ko. Sana nandito sila Nanay at Tatay pati ang mga kapatid ko siguradong matutuwa yun dahil ang daming pwedeng maisanla dito sa resthouse—Hindi kami masamang loob, sadyang ang ganda lang talaga dito at makakapag-enjoy sila.

Nagulat ako nung may basang kamay na humawak sa may binti ko. "Tara na Elyne!"

"Ha? Hindi sige mamaya na ako magsu-swimming." Awkward akong ngumiti kay Ayna.

"Anong mamaya eh uuwi na tayo mamaya!" Pagpupumilit ni Rina at tinawag niya si Kiri para hilain ako patayo sa Patio Lounge. Seryoso ba sila!? Konti na lang magi-snow na dito sa tagaytay tapos gusto nila akong palanguyin!?

"Dali na Elyne!"

"Ayoko!" Sigaw ko at nagpupumulit akong tumakbo pero nagulantang ako nung binuhat nila akong apat at hinagis sa pool! "AAA!"

Mga retired wrestler ba 'tong mga 'to!?

Naramdaman ko ang sarili ko na humampas sa malamig na tubig sa pool, lumangoy muna ako konti saka inahon ang ulo ko. Ang lamig! Ang lamig-lamig! Nangangatog na ako agad. "Brrr..P-Pagsisisihan n-niyo 'to." Pagsusumpa ko at tinawanan lang nila ako.

Tumalon naman silang mga babae sa pool at sumunod na rin si Andrew.

Ang saya nila ha.

Hindi ko talaga ang lamig, kinakagat ko na ang sarili kong labi dahil hindi ako sanay. Sorry na mahirap lang kami at hindi ako sanay sa ganito, aircon nga lamig na lamig na ako jusko!

"P-Pasok muna ako." Paalam ko sa kanila habang niyayakap ang sarili ko.

Natawa naman si Gerald. "Sige yayain mo si Chef D!"

Mga baliw.

Tumutulo pa ang tubig sa damit at buhok ko. Bumakat din ang bra ko dahil sa basa kong white t-shirt, madali tuloy kumapit ang lamig sa katawan ko.

Bago ako umakyat ay dumiretso ako sa kusina at nagpainit sa electric kettle ng tubig, magkakape ako para mawala ang lamig na nararamdaman ko. Nandoon lang ako sa gilid habang hinihintay kumulo yung tubig at niyayakap-yakap ko ang sarili ko, malapit na ako mabaliw dahil naiinip ako sa pagkulo ng tubig.

Nagbuntong-hininga ako.

"Here." Nanlaki ang mata ko nung may nagpatong sa'kin ng tuwalya mula sa likod.

Napalingon ako at alam kong si Dylan yun. Binalik ko sa kanya ang tuwalya. "Salamat pero okay lang ako."

Kaso hindi niya ito kinuha at binalot uli sa'kin ang tuwalya kaya nagmukhang niyakap niya ako. Ugh! Wag kang assumera, Elyne. Please lang talaga. "Tumutulo yung basa, muntik na akong madulas kaya wag kang mag-inarte."

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon