Chapter 19

1.1K 41 9
                                    

   Chapter 19: Letting you go 

        Nandito ako sa storage room nung natanaw ko sa glass window na papasok si Sir Alford dito sa restaurant kaya tinamaan nanaman ako  ng kaba kaya agad akong lumabas para makita ko kung nasa'n si Dylan. 

   Papalabas siya ng kusina at pinuntahan ang kanyang ama upang batiin. Nakita ko lang na tumango ito. 

  Nagulat ako nung napatingin siya sa'kin at nginisian ako. Mas lalo akong kinabahan nung papalapit na siya ng papalapit sa'kin. "So ikaw pala ang dahilan kung bakit ayaw magpakasal ni Dylan kay Nathalie huh? I'm so sorry for being rude yesterday at hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos." 

   "Dad, s-she's just my employee." 

Napalunok ako. Mas lumawak ang ngiti niya. "Employee huh? That's interesting." 

   Yumuko ako. "Pasensya na po kayo sa mga nasabi ko kahapon at naging bastos ako wala pong kasalanan si Sir Dylan dito." 

   "Bakit dito ka nagta-trabaho?" Napatingin ako sa paligid dahil yung ibang mga customers ay nakatingiin na dito. Siguro dahil kilala ang tatay ni Dylan dito. "Ito lang po ang trabahong mapapasukan ko na mataas-taas ang sweldo." Tugon ko naman.

  Pumalakpak siya bigla. "Well then! Work for me, mas triple ang ibabayad ko sa'yo." 

  Napatingin ako kay Dylan. Ano? "Dad wala siyang alam sa company." 

   "Oh son, madali lang yun konting pagtuturo lang sa kanya. You can stay here pero gusto kong kunin siya bilang empleyado ko." Ako magiging empleyado niya? "No, dad. Kukulangin kami ng chef." 

   "I will replace her." Ma-otoridad na sagot ng tatay niya.

"No she's my employee so I'll decide." Matigas namang pagsagot ni Dylan sa kanya. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Sorry Sir, hindi ko po pangarap na magtrabaho sa isang kumpanya, mas gusto kong manatili dito sa resort." 

  " Mamili ka Dylan," Sambit ni Sir Alford. "Your career or her?"

   Pinapapili niya si Dylan? Sa harapan ko?

   "Dad, I said she's my employee." Madiing saad ni Dylan sa kanyang ama. "Enough with that and answer me. I'm giving you two days to decide." Tumalikod si Sir Alford at lumabas na ng restaurant.

   "I'm sorry hindi ko kayang sabihin na..tayo.." Halos pabulong na lang ang pagkasabi niya pero dinig na dinig ko ang sakit sa puso ko.

  Naiintindihan ko naman pero bakit kumikirot pa rin ang puso ko?

   "Dylan.." Hahawakan ko sana ang kamay niya pero bigla siyang tumalikod at pumasok sa staff room.

  Alam kong ako lang ang nagpapagulo dito, alam kong nahihirapan si Dylan ng dahil sa'kin. "Elyne ayos ka lang?"

  "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Andrew..Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan." Tinapik ni Andrew ang balikat ko at pinakalma ako. "Maaayos niyo yan. Ikaw pa ba Elyne?"

  Ngiti lamang ang naisukli ko sa sinabi niya.

  Sa sumunod na araw..Halos matulala ako sa nakikita ko.

   "Dad anong ginagawa mo!?"

   "I'm just returning the place to it's rightful owner."  Ngumisi ang tatay ni Dylan. Lahat kaming empleyado walang magawa. "Pero sir Alford paano ang trabaho namin?" Pagtatanong ni Sarah.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon