Chapter 20

1.1K 34 2
                                    


  Chapter 20: Simulang pagtatapos

Nagising ako ng maagang-maaga. Napatingin ako kay Dylan na mahimbing pang natutulog sa tabi ko. Naka-ayos na ako't lahat-lahat. Sinigurado ko na hindi ko siya magigising, dapat kanina pa ako umalis pero tinitignan ko pa ang mukha ni Dylan, huli na 'to hindi ko pa ba susulitin?

  Ngumiti ako at hinaplos ko ng mahinhin ang buhok niya pataas. "Salamat dahil ginawa mong magandang kwento ang buhay ko kahit sandali lang.." Hinalikan ko siya sa noo at hindi ko napigilan ang luha ko.

    Babalik ako pag pwede na tayo Dylan, pag kaya na kitang ipaglaban.

Hindi pa nga sumisikat ang araw nasa airport na ako at hinihintay ko ang flight ko.

Nilabas ko yung sira-sira ko ng cellphone na akala mo napulot ko siya 100 years ago. Tinawagan ko si Nanay na uuwi na ako.

[Bakit biglaan naman yata ang uwi mo?]

"Ah, Nay, b-bakasyon po at namimiss ko na kayo nila Tatay eh! Pati yung mga kapatid ko." Pinunasan ko ang luha ko.

[Wala bang problema, Elyne?]

"Wala po, Nay, ano ka ba hintayin niyo na lang ako ha?"

[O, siya,sige, mag-ingat ka sa flight mo anak!]

Narinig ko na next flight ko na kaya tumayo na ako. Lumingon ako, hindi naman siya dadating, Elyne. Pumasok na ako sa departure area papunta sa eroplano ko papuntang Maynila.

"Bunso!"

"Anak!"

"Ate!"

Sumalubong yung mga kapatid ko, na nakakabata at nakakatanda sa'kin pati sila Nanay at Tatay. "Kuya One!" Niyakap ko silang lahat. "Kamusta kayo~?" Excited kong pagtatanong sa kanila.

"Eto ayos naman Ate! Gumaganda ka ha!" Ngumiti naman akong kinikilig dahil sa sinabi ni Ninefie. "Syempre! Dati pa akong maganda echusera talaga 'to." Ginulo ko ang buhok niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay, tinabi lang namin yung maleta at mga gamit ko. " Hanggang kailan ka ba magbabakasyon dito, anak?" Tanong ni Tatay. Natigilan naman ako at hindi ko alam ang isasagot sa kanila. "Hmm, basta matatagalan din ako dito,Tay." Nginitian ko na lang siya.

  "Nakakabigla lang kasi dahil parang masaya ka na sa trabaho mo doon, may problema ba?"

  Napalunok ako at agad kong inakbayan si tatay habang natatawa. "Ano ka ba tatay wala! Sus, parang ayaw niyo naman na pauwiin ako."

   "Biro lang." Ginulo ni tatay ang buhok ko.

-DYLAN ALFORD's POV-

I have this strange feeling that I lose something important?

Bigla akong napadilat ng mata at wala ako sa waring tumayo, I don't see signs of Elyne. Sinimulan akong kabahan, umakyat baba ako at hinanap ko siya sa garden pero wala rin siya. 

  Akala ko nasa kabilang kwarto lang siya and yet I don't see Elyne here. "Bakit wala siya dito?Elyne?" Tinignan ko siya sa banyo habang sinisigaw ang pangalan niya. "Elyne I don't play game like this." Tinignan ko yung cabinet, walang laman.

Pakiramdam ko ilang libong saksak ang natamo ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "N-Nasa'n ka na?" Bawat cabinet walang laman,bawat drawer hinalungkat ko na pero wala akong nakitang Elyne o mga gamit niya. "S-S-She left." Napa-upo ako sa lapag at sinandal ang sarili sa edge ng kama, napasabunot ako sa buhok ko.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon