Chapter 45

568 12 2
                                    


  Chapter 45: Luha

   Pasikat pa lang ang araw at nag-decide akong maglakad-lakad sa labas nung nakita kong nakaupo si Caleb sa hindi kalayuan. Nakatanaw siya sa dagat.

  It was a picturesque view. Ang ganda niyang tignan habang nanonood ng sunrise. Nilabas ko ang cellphone ko at wala sa sarili akong kinukuhanan siya ng litrato. "Oooh~ You're a good photographer~"

  "Ah!" Muntik ko ng maibagsak ang cellphone ko dahil sa pagkagulat. "H-Hyera."

  "Good morning." She cheerfully smiled. "Ano kayang magiging reaksyon ni Caleb pag nalalaman niyang kinukunan mo siya ng litrato." She gigled and I blush.

  Tinago ko agad sa bulsa ko ang aking cellphone. "Hindi ko siya kinukunan ng litrato, chine-check ko lang kung malinaw pa yung camera ko."

  Nagkibit-balikat na lamang siya at natawa.

  "N-Nagsasabi ako ng totoo!"

  "What? I didn't say anything." Pang-aasar niya pa.

  Tumalikod na ako para bumalik na sana sa room ko. Oo at niligtas niya ako kahapon pero iba talaga ang aura ng babaeng 'to. Parang akala mo magkakasundo kami pero sa totoo ay hindi.

  "Ikaw pala ang tinutukoy niya.." Napalingon ako dahil sa narinig kong bulong niya. "Ha?"

  "Nothing." Tumakbo na siya papalapit kay Caleb.

  Sa'n kaya sila nagkakilalang dalawa?

  Tinatanaw ko sila habang nakaakbay si Hyera kay Caleb habang nagtatawanan sila. Kumirot ang puso ko. Hindi naman sa nagseselos ako, alam kong wala silang relasyon..Halata sa kilos ni Caleb na kaibigan lang ang turing niya dito.

  It's weird how I can notice that, eh hindi ko nga napansin dati na may gusto pala siya sa'kin.

  Pumunta ako sa loob ng resort at umorder ng almusal ko. Ang ganda ng view mula dito sa loob ng malaking nipa hut habang nakatanaw sa labas.

   "Elyne!" Masiglang bumati sa'kin si Andrew. Napangiti naman ako. "Upo ka." Aya ko.

  "Nagpaiwan ka pala talaga, bumalik ako dahil kinausap ako ng head chef."

  "Tungkol saan?"

  "Ini-invite ako na tulungan ko siya sa ibang raket niya." Natawa naman kaming dalawa. "Sila Rina? Nasa'n na? Nakabalik na ba sila?"

  "Oo, nung isang araw pa." Uminom ako ng kape ko at nagtaka naman ako kung bakit titig na titig sa'kin si Andrew. "Wag ka masyado tumitig, baka ma-inlove ka sa kagandahan ko. Lagot ka kay Rina." Biro ko.

  "Sira, baka patayin ako no'n." He laughed. "Iniisip ko lang kung okay na kayo ng lalaking hinahanap mo?"

  "Ahh..Yun." Binaba ko ang tasa ng kape. "Okay naman talaga kami pero parang nabura lahat ng pinagsamahan namin."

  "Hindi yun nabura, baka nasasaktan lang siya o baka naman may pino-protektahan.." Umiling ako sa sinabi. "Baka mas pinili niyang makalimutan." Hindi nagsalita si Andrew. Halata sa mukha niya na nag-aalala siya.

  "Ganito pala ang naramdaman ni Dylan nung iniwan ko siya ng walang paalam..Ganito pala ang pakiramdam ng maiwan sa ere. You keep on falling but you don't have anyone to catch you. Umaasa ka sa walang kasiguraduhan, naghihintay ka sa taong hindi mo alam kung babalik pa ba o hindi na."

  "..Kung tao lang sana yang tadhana at karma, ililipat ko yung bunbunan nila sa pwet ng kabayo."

  Tinapik ni Andrew yung balikat ko at pinakalma ako. "Easy ka lang, ikaw talaga. Maayos mo din yan."

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon