Chapter 9

1.2K 48 4
                                    


 Chapter 9: Fall in love with me


Lumapit na ako sa kanila at nakakunot ang noo nung lalaking client naming pagdating ko sa harapan niya. Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa? Chos.

Tinignan ko si Chef Gwapo kaso nakatingin lang siya do'n sa client! Nako naman!

"Did you bake this?"

"O-Opo,yung lemon bread."

"Lemon bread.." Tinignan niya yung plato na may strawberry-lemon shortcake at may kagat na niya. "It taste—"

"Sorry po kung pangit ang lasa!" Nag-bow pa ako. Ayoko ng marinig na pangit lasa ng ginawa ko. Hindi ko naman alam gumawa ng lemon bread eh! "Ngayon lang po ako gumawa ng lemon bread, hindi ko po matansya yung magiging lasa! Pasensya na po kayo!" Napapikit pa ako,nakakahiya.

"Don't apologize,you fool." Hinawakan ni Chef gwapo yung ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Natawa yung client. "So first time mo lang ginawa 'to? It taste so good, you're an amateur but you have potential. I'm just going to ask you kung interasado ka bang mag-aral sa ibang bansa ng culinary art? Matutulungan kita. 'Di ba Dylan?"

Tumango naman si Chef Gwapo.

"Wait, so you mean I'm going abroad?" Napahawak pa ako sa dibdib ko at natawa. "Seryoso kayo diyan? As in serious to the highest level?"

"I'm serious, dear." Ngumiti siya.

"Pass muna po ako, gusto ko pa po mag-trabaho dito and dito pa nga lang po ubos na ang dugo ko kaka-nosebleed,sa ibang bansa pa po kaya." Natawa naman yung client sa sinabi ko. Tumayo siya. "You're funny."

"Okay, this is my calling card." Inabot niya sa'kin yung calling card niya. "I'm Rod Santos, contact me pag nagbago ang isip mo." Tumingin siya kay Chef Gwapo at nakipag-shake hands. "And thanks for your cooperation, Dylan."

"Wala po yun, Tito."

TITO!?

"And yung tungkol sa Dad mo wag kang magpadala, ako ng bahala sa kanya pagdating ko sa Maynila."

"Thanks po, mag-ingat kayo."

"So, have a good day." Tumingin siya sa'kin. "And for you too, Miss."

Bumalik kami sa kusina at napansandal ako sa may pintuan! Jusko! Akala ko kung ano na ang mangyayari kanina.

"Okay ka lang?" Pag-aalala ni Gerald.

Nag-thumbs up ako. "Medyo. Water~ Water~"

"Here." Tumingin ako kung sino yung may hawak ng isang basong tubig. "Chef Gwapo, buti na lang talaga nando'n kayo!Hindi ko alam ang gagawin ko!"

"Great job." At umalis na siya.

Nasa kwarto na ako at kakatapos ko lang maghilamos.

Tok tok

Napatingin ako sa may pinto ng veranda. Sumilip ako sa may kurtina para makita ko kung sino. Si Chef. Anong ginagawa niya!? Ba't siya kumakatok!?

Hinagis ko yung towel sa kama at agad akong nagsuklay, naglagay ako ng lip balm at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Ano bang ginagawa ko?" Binura ko yung lip balm at inayos ko na lang yung buhok ko.

"Bakit ka ba kinakabahan diyan, Elyne?" Umiling ako.

Tok. Tok.

"Tulog na ba siya?" Narinig kong sabi niya. "Hindi! Wait."

Agad akong lumabas sa may veranda at parang nagulat naman si Dylan. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-Bakit nga pala?"

"Ah, coffee?" Napatingin ako sa hawak niyang kape. "Walang lason yan." Inabot niya 'to sa'kin. "Kunin mo na."Kinuha ko naman yun at umupo kami sa sahig at tinignan yung dagat.

"Ayokong magpakasal kay Nathalie." Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Ay may ganon? Bakit? Mahal mo siya 'di ba?"

Napangisi naman siya. "Hay, gustong-gusto lang siya ni Dad kaya I decided to make her my girlfriend pero mahirap din pala and then my dad asked me bakit hindi ko daw pakasalan si Nathalie, she's perfect for me ang sabi niya. Gusto ko lang maging proud sa'kin si Dad pero ayoko ng pilitin kung ayaw niya."

"Oo nga, maganda, mayaman, mataray bagay kayo. Antipatiko ka naman eh." Natawa ako. "Tsaka parang ang complicated ng buhay mo, hindi lang halata."

"Pero nagseselos ka."

"Tigilan mo nga ako." Pagsusungit ko. "Tapos anong nangyari?"

"And then the day when I was going to propose to her at the cruise ship.. Nung nalaman kong may bomba, I don't know why pero natuwa ako na hindi ko natuloy yung proposal," Nilapag niya sa gilid niya yung kape at sumandal sa pader. "Na siguro pinigilan talaga akong wag ituloy."

"Sana ako na lang ang minahal mo, masaya siguro yun."

"What?"

OMG! NASABI KO BA YUN NG MALAKAS?!

"W-Wala, sabi ko sana ako na lang ang Miss Universe, ahahahaha bagay sa'kin eh.Trip kong magsuot ng crown."

"Hindi bagay, masisira ang Universe."

"Kapal ha!" Tumingin ako sa dagat at nilaro-laro yung baso ko. "Pero ititigil mo na yung sa inyo ni Nathalie?"

"Alam na niya."

"Break na kayo!?May pag-asa na ako?" Napatakip ako ng bibig ko. "I mean, break na kayo?" Mahinahong pagtatanong ko. Gusto ko ng magpakalunod sa dagat!

"I don't know, it's been two weeks since we last talked." Tinungkod niya yung dalawang kamay niya at tumingala sa langit. "Hindi siya pumayag,pero sabi ko, it's over between us and then binabaan niya ako."

"Dapat pag ayaw na, ayaw na. Nako talaga." Tumingin ako sa kanya. "Pero masakit yun sa side niya ah."

"Hindi ko alam kung mali 'to.." Halos humiwalay ang puso ko sa katawan ko nung bigla niya akong hinila at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya,nararamdaman ko yung kamay niya sa likod ko.

"Uhh.." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"But, just hurry up and fall in love with me."

Hindi ako makahinga sa sinasabi niya at awtomatiko akong tumayo at tumakbo sa loob ng walang sinasabi at sinara ko ang pinto. Nanghihina ang tuhod ko kaya napa-upo ako at napasandal na lang.

Tinakpan ko yung mukha ko, ramdam na ramdam ko yung init.

"Ang lakas talaga mang-trip no'n." Umiling ako. "Hindi pwede, kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya tas eentra ka agad!? Nako Elyne sinasabi ko sa'yo!" Tumalon ako sa kama at sinubsob ko yung mukha ko sa kama.

Pinilit ko yung sarili ko na matulog.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon