Chapter 24

1K 32 1
                                    

Chapter 24: Bigo

Gumabi na at pauwi na ako galing sa trabaho nung nakita kong naka-park pa yung kotse ni Dylan kaya sumilip ako sa glass wall ng restaurant and there I saw him na papalabas na, nandito pala siya? Hindi siya pumasok sa kusina kanina, ayaw niya ba akong makita? Kailangan ko nga pala siyang i-seduce, anong gagawin ko?

"Nice doing business with you, Mr. Williams." Nakipag-kamay siya doon sa isang lalaki at sumakay na yung Williams sa sasakyan.Teka 'di ba yun yung may ari ng Cotland's Industires?

Nung nakita ko siyang humarap dito, umiwas agad ako ng tingin at kunwari akong natalisod.

"Ouch! Ouch! Ang sakit!" Hinimas ko yung binti ko. Napatingala ako nung nakita ko si Dylan na tinitignan ako. Is he going to stand there and look at me like that? Hello, help me! "Are you stupid?"

"Thanks for the compliment." Inirapan ko siya at ititigil ko na sana yung paga-acting ko at tatayo na sana nung lumuhod siya sa gilid ko at hinawakan ako sa binti. "W-What are you doing? Don't touch me." Kumunot yung noo ko at pinisil-pisil niya yung binti ko and my heart starting to get weird beats.

"Masakit ba?" Napatingin ako sa kanya at napangiti. "Oo eh, dito-dito." Tinaas ko yung kamay niya sa may hita ko. "Here?"

Tumango ako and I pouted. Heh, effective!

"Chef Elyne, you forgot your cellphone here." Napatayo ako bigla. "What?" Tumakbo papalapit si Jana, my co-worker, full American. "Oh thanks."

"Welcome, gotta go." Pumasok na siya uli sa loob.

Napatingin ako kay Dylan na naka-cross arms and he's smirking at me. "Masakit pa?" Nanlaki ang mata ko, ba't ka kasi tumayo Elyne eh! "Oh yes! N-Nabigla lang ako, but it hurts, grabe~ Ouch~" Paga-acting ko. "Hindi ko na yatang kayang tumayo, can you take me home?Please?" Nag-beautiful eyes pa ako.

"Here 500 dollars, makakapag-taxi ka na niyan 'di ba? So have a nice day, beauty." Hinawakan niya ako sa baba at sumakay na siya sa kotse niya at iniwan akong nganga.

I stamped my foot in embarrassment! That guy! "Argh!" Pumara na ako ng taxi at umuwi na ako. Palpak na ang plano ko, napahiya pa ako. Nice.

Naligo ako ng isang oras sa banyo hanggang sa nakuntento na ako sa paglilinis ng iba't-ibang bahagi ng katawan ko. Habang pinupunasan ko ang buhok ko ay lumapit ako sa kalendaryong maliit na nakapatong sa side table ko para lagyan ng ekis ang date ngayon para malaman ko kung ilang araw na lang ang natitira ko rito sa New York. Nangako ako kay Nanay at Tatay na uuwi ako sa pang-apat na taon.

There are 3 months left bago ako umuwi ng Pilipinas.

Sana sa 3 months na yun ay magkasama kaming uuwi ni Dylan. How I wish.

Nagising ako ng maaga at nagulat ako nung nasa harapan ng condo si Caleb at may dalang sasakyan. Napailing ako. "Kay Tito Rod yang kotse no?"

"Shh. Ihahatid na nga kita!" Parang may nag-pop up na ideya sa utak ko."Ihahatid mo ako?"

"Sure."

"Okay! Let's go!" Inunahan ko na siya sa pagsakay sa kotse at sumunod na rin siya tsaka pinaandar ito. "Gaano ka ba kahirap at tuwang-tuwa ka sa pagaya kong paghatid sa'yo? Wala ka bang pamasahe? Wag mong sabihing naglalakad ka pag pumupunta ka ng trabaho."

"Ako? Maglalakad? Baliw! Iniisip ko lang na baka pag nakita tayo ni Dylan ay maaring magselos siya, hindi ba?"

"Para namang hindi." Pinanliitan ko siya ng mata. "Kontra ka lagi."

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon