Chapter 33

923 36 6
                                    


Author's Note~

   Hi kay @taehyung_lover1129, grabe napaka-energetic ng mga comments mo hahahahaha wala kaming net kaya nagtiya-tiyaga ako mag-open sa comshop at t'wing nababasa ko yung mga comment mo, para akong baliw dito sa comshop tumatawa dahil parehas tayo ng nagiging reactions sa mga character na ginagawa ko! And thank you for supporting She's Mine and this story! I am dedicating it to you! Have a good day!


Chapter 33: Caleb and her tears

Tulad ng mga nagdaan na araw, tinuturing ako ni Dylan bilang estranghera. Minsan pag binabati ko siya tango lang ang pagtungon niya sa'kin, o kaya naman kapag hindi ko siya babatiin ay wala rin dahil hindi na niya ako pinapansin.

I tried to approach him couple of times pero pinanindigan niya talaga ang pagakto na parang walang nangyari. Nababaliw ako sa sitwasyon ko, I'm in dilemma between 'giving up' and 'not give up'. Hindi ko alam kung bakit pero pag binitawan ko ng tuluyan si Dylan, may pakiramdam ako na pagsisisihan ko 'to ng buong buhay ko.

Pumasok ako ng office ni Dylan para makausap pa siya ang kaso nga lang hindi maganda ang bumungad sa'kin—Nakita kong tumayo si Kristen sa couch. Hindi ko rin nakita si Dylan.

"Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba kay Dylan?"

Hindi na ako makapagpigil at punong-puno na talaga ako!

Nilapitan ko siya and I stand face to face with her. Binigyan ko siya ng matatalim na tingin at tinaasan naman niya ako ng kilay. "Don't give me that bitchy look."

"Then stop this bullshit. Bakit mo pinipilit si Dylan na manatili sa tabi mo?"

"Hindi ko siya pinipilit..Ako ang pinili niya, hinding-hindi niya ako iiwan." Gusto ko manampal pero hindi ko magawa. Dahil kapag nasaktan ko siya once, baka magtuloy-tuloy at hindi ko na alam ang magagawa ko sa babaeng 'to. "Do you think every 'I love you' of his are true? Hindi yun totoo yun, kasi ako ang mahal niya."

Mas lalong nagalit ang titig niya sa'kin. "Kung mahal ka niya, bakit hindi ka niya pinili?"

"Dahil may pumipigil sa kanya! At ikaw yun! Pinipilit mo ang sarili mo sa kanya kahit alam mong naiipit na siya. Kristen please..Maawa ka naman sa kanya! Mahal ko si Dylan at alam kong mahal niya ako! Can't you see? Pinapahirapan mo ang sarili mo."

Napakagat ka sa ibabang labi niya at pinipigilan niya ang nagbubugsong luha niya. "Wala kang pakialam, desisyon ni Dylan na piliin ako, pinili niya ako!"

"Masaya ka ba talaga na mapili kahit hindi ka niya mahal?" Ramdam ko ang hapdi ng pagkadapo ng kanyang palad sa'king mukha. "Kung ayaw mo tayong magkasakitan Elyne, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay ni Dylan.."

"..Because I deserve him more than anyone else."

Sinampal ko siya pabalik. "But I love him more than anyone else."

"Kristen..Elyne.." Nanlaki ang mata ko nung nakatayo sa may pinto si Dylan at tumakbo siya papalapit kay Kristen at agad namang yumakap ito sa kanya. "Elyne anong ginawa mo? Bakit mo siya sinaktan?"

"H-Hindi gano'n yun..Gusto ko lang naman.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Galit si Dylan ngayon, nasasaktan ako na una niyang nilapitan si Kristen. Pakiramdam ko ako na ang pinakatangang tao sa mundo.

"Ayaw niya na ako ang piliin mo, Dylan. Sinasabi niya na hindi mo ako mahal." Nagsimulang umiyak si Kristen.

Tangina, Elyne..Sumuko ka na Elyne. Sumuko ka na, please.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon