Chapter 29

970 35 2
                                    


Chapter 29: Enough to help me


Hindi yun ang totoo, bakit ganon yung sinabi ng tatay ni Dylan? Bakit sinabi niya na tinanggap ko yung pera? Bakit mas naging masama pa ako? Hindi naman ako martyr para pumayag sa ganyang paratang. Sinunod ko na ang gusto ng ama niya, mas naging masama pa ang tingin ni Dylan sa'kin.

Kaya pala galit na galit siya.

"Gusto ko na magpahinga." Tumayo si Dylan at hinawakan naman Kristen ang laylayan ng damit niya. "Dylan."

"Pagod lang talaga ako."

Napayuko na lang ako.

Ilang oras ang lumipas, hindi ako makatulog dito sa tent baka tuklamin ako bigla ni Kristen. Nakatalikod ako sa kanya pero naiilang talaga ako matulog.

"Akala ko ba si Caleb ang gusto mong katabi? Bakit ka pumayag? Sana magkatabi kami ni Dylan."

"Tingin mo ba papayag akong magtabi kayo?" Bakit ba ako nakikipag-usap dito?

"Wag kang mag-alala wala naman kaming gagawin, nakakahiya naman sa inyo baka marinig niyo kami." Napakagat ako sa labi dahil sa inis sa mga sinasabi niya. "Wala naman talagang mangyayari dahil wala siyang balak galawin ka."

"AH!" Napasigaw siya at ngumisi naman ako dahil alam kong naiinis siya. "Wag kang sumigaw Kristen, magpatulog ka." Sabi ko na lang at pumikit na.

CALEB's POV

Kinuha ko yung kumot at hinila ko papalapit sa'kin. Naramdaman ko namang agresibong hinila rin ito ni Dylan.

Kanina pa 'to naghahamon eh. Pwersahan kong kinumot 'to sa sarili ko at pilit niyang kinukuha 'to sa'kin. "Nilalamig ako." Madiin niyang sabi.

"Nilalamig din ako." Bawi ko sa kanya.

"Akin 'tong kumot bakit hindi ka nagdala ng sarili mo?" Naghihilaan kami at may pumasok na magandang ideya sa utak ko. Binitawan ko yung kumot. "Okay, pupuntahan ko na lang si Elyne at mag-share kami sa kumot--" Patayo pa lang sana ako nung ibinagsak ni Dylan yung balikat ko.

Pakshet, ang sakit. Ahhh.. Yung likod ko.

"Sige na sa'yo na yan." Binigay niya sa'kin padabog yung kumot at tumalikod na.

Ngumisi naman ako. I win.

ELYNE's POV


Nagising ako ng maaga at wala na sa tabi ko si Kristen. Nasa'n nanaman nagsusuot yun?

"Baka pumunta siya sa tent ni Dylan!" Mabilis akong lumabas ng tent, halos masubsob pa ako nung nakita ko na nasa harapan ko si Dylan. Malaki ang mata naming dalawa dahil sa gulat.

"Uhh..Gising ka na pala." Tumayo siya at nagunat-unat ng kanyang braso.

"Si Kristen?"

"Naliligo siya sa isang ilog na nakita namin kanina."

"Sana malunod." Sinubukan kong pigilan ang katakot-takot na ngising lumabas sa labi ko pero hindi ko kaya!

"What are you smiling for?"

"Huh? Wala, ang saya lang dahil nakahanap kayo ng pwedeng liguan kaso nga lang malamig."

"Kaya wag ka magbabad--"

"Dylan!" Naputol ang sasabihin ni Dylan nung tumakbo papalapit si Kristen habang kumakaway. Tsk, panira. "Aching!" Bahing ni Kristen at agad namang dinampot ni Dylan yung tuwalya at pinunasan ang buhok niya.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon