Chapter 1

5.4K 117 29
                                    


Chapter 1: Trapped


"Anak!Anak!Male-late ka na!"

Nanlaki ang mata ko at kinuha ko yung alarm clock sa tabi ko."Waaa!Male-late na nga ako!Yung towel!Yung towel!"Dumiretso ako sa banyo.

"Ingat ka,anak!"Kumaway-kaway pa si Nanay habang pasakay ako ng Cruise Ship.

"Ba-bye Ate!"Sigaw ng 10 kong kapatid.Ang dami no?Masyadong active ang Nanay at Tatay ko noon eh.

"Bye!One Carlos,Twodese,Thressa,Four,Fively,Sixth,Seven,Eighthana,Ninefie,Tenio!Mag-iingat kayo ah!Lalo ka na Nay!"Kumaway-kaway ako at pumasok na sa loob ng Cruise Ship.

Si Thressa,Eighthana,Ninefie at Seven ay ang mga babae kong kapatid and yung iba ay puro lalaki na.Ang dami namin no?11 kaming lahat kasama ako. Ako lang ang hindi sunod sa bilang ang pangalan.

Ako nga pala si Elyne Ferrer.21 years old.Isa akong babaeng mala-anghel ang ganda..Sabi ni Nanay at sobrang talinong babae..Sabi ni Tatay at sobrang sexy..Sabi ng mga Kapatid ko.

Nandito ako sa Cruise Ship ngayon,dala-dala ang sobrang laki kong maleta kasi syempre dapat laging handa.Itong Cruise Ship na ito ang maghahatid sa'kin sa isang Island Resort kung saan ako magta-trabaho.Yiiee~ Excited na ako.Tinabi ko na lang yung maleta ko at ang daming pagkain dito!At marami ding mga mayayaman na tao,nakisabay lang talaga ako dito,sabi daw kasi ng Boss ko okay lang naman daw.

Yung iba dito naka-magarang dress at mukhang ang mamahal at ang gaganda pa.Samantalang ako..Naka-maong na shorts at white T-Shirt.Sere nemen di ko afford eh.

"Excuse me,can you get me some wine,waitress?"Aba't pinagkamalan pa ako na waitress ng babaeng 'to!Mukha ba akong waitress!? Mukha ba!? Alam kong oo pero maganda ako no!Ma-sample-an nga."I'm not a..what you call that?Waiters or waitress."Mataray kong sabi.Tama ba yung grammar ko?Di kasi ako magaling sa Ingles eh!

Eh..Gusto ko lang naman makipagsabayan sa kanya no!

"Oh my god,I'm sorry and please,learn english properly."Ma-accent niyang sabi.Argh!Yabang."Shi gu ajsko gurina-ismida!" !Naggawa-gawa lang ako ng salita."Ano?Naiintindihan mo yun?Mag-aral ka rin ng ibang language."Tinapik ko siya sa balikat."Pare."Habol ko.

"What did you call me?P-Pare?Ha!"

"Nathalie!"May lalaking lumapit sa kanya at napanganga ako literally.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.Halos tumulo na ang laway ko. Nakakataas balahibo at nakakababa ng panty—Chorva lang.

Napakagat ako sa ibabang labi ko."Ang gwapo.."Bulong ko.

Malanding hinalikan nung Nathalie yung lalaking gwapo,sa pisngi."Hi Babe."Sabi nung Nathalie."Hi."Kalmadong sabi niya.

Umalis na lang ako do'n at baka mainis ako kunin ko pa yung gwapong nilalang na boyfriend ng Nathalie na yun!Umupo ako sa may couch sa may labas ng Cruise Ship,sa may veranda."Waaaa..."Huminga ako.

Kitang-kita mo talaga yung dagat dito.Buti na lang 'di masyadong maaraw kaya hindi masyadong mainit.Umupo ako sa may couch nito."Oh,may drinks!"Kinuha ko ito at ininom at nilapag ulit sa mini table.

"Hey,why did you drink that!?"Pagkatingin ko si Mr.Gwapo kanina.

Nag-panic ako."H-Ha?Sayo ba 'to?Akala ko libre eh!"Napakamot ako ng ulo at kinakabahan na akooo!

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon