Chapter 2

2.7K 67 12
                                    


Chapter 2: Careless


"Yan na!"Nilapag ko yung mga kahoy na naipon ko sa gilid ni Mr.Gwapo.Gumagawa kasi siya ng parang kubo para daw may sisilungan kami kung sakaling umulan daw ng sobrang lakas.Pwede na siyang maging Kuya Kim.

"Humanap ka ng lang na lang ng Nipa leaves para ipatong natin dito para magkaroon ng bubong."

"Sigee~"Maglalakad na sana ako kaso."Uhmm.."

Napalingon siya sa'kin."What?"

"Ano yung Nipa Leaves?"

Tumingin siya sa'kin na parang sinasabing 'seriously?Hindi mo alam yun?'"Ehehehe,peace?"Nag-peace sign ako

***

"Nadala ko halos lahat ng gamit ng bahay namin..Ang problema lang,walang pagkain."Napayuko ako.Nagugutom na kasi ako.At gabi na.

Buti na lang nakagawa siya apoy.Naka-upo kaming dalawa sa gilid nito.

"I'm worried about Nathalie.Ligtas kaya siya?"Tumingin sa sa langit.Kinuha ko yung stick at nilaro-laro ang buhangin."Sus,hindi agad yun mamamatay,maldita yun eh."

"What?"

Nagulat ako at napatingin sa kanya."H-Ha?Wala,sabi ko sure akong ligtas siya kaya wag kang mag-alala."

"I hope so."Tumago-tango siya.

GUTOM NA AKO! GUTOM NA ANG TIYAN MOOOO!

"What's that?"

"Gutom na ata ako."Natawa siya."Wait lang,just wait here.Wag kang aalis."Ma-otoridad niyang sabi.Tumayo siya at mabilis umalis.Sa'n naman kaya pupunta yung isang yun?

OMG!

Mamaya tatakasan niya pala ako?Kasi 'di niya na kinaya ang kapangitan ko?Okay wag kang ganyan Elyne!Maganda ka!Maganda ka!Pero pa'no kung totoo ang iniisip ko?Pa'no kung iwanan niya ako mag-isa dito?

Nako!Ilulunod ko siya dito sa dagat!

"Here."Napatingin ako sa kanya at inaabot niya sa'kin yung buko.

"Sa'n mo 'to nakuha?"

"May puno do'n ng buko eh,yan lang ang pwede nating makain dito."

"Salamat."Humigop ako sa sabaw ng buko."Akala ko iniwan mo na ako dahil baka pabigat ako."Natawa ako sa iniisip ko kanina.

"Alam mo iiwan naman sana talaga kita kaso nagi-guilty lang ako."

"Gusto mong ilunod kita?"Bwisit na 'to!Pero atleast nakokonsenya din pala siya.Humihigop din siya ng sabaw ng buko."Fool."Bulong niya.Ano daw?'Di ko naintindihan.

"Anong sabi mo?Swimming pool?"

Umiling-iling siya."Nevermind."

Tumahimik kami.Sarap ipalamon ni Mr.Gwapo sa katahimikan na 'to.Hays,bakit ba kasi sa lahat ng tao siya pa ang nakasama ko.At sa lahat ba naman ng tao sa Cruise ship ako pa ang napiling ma-trap sa isang isla.Kamalas-malasan naman talaga ng buhay ko oh!

Nagising ako sa sinag ng araw,tumayo ako sa may kutson.Hinanap ko si Mr.Gwapo.

"Mr.Gwapo!Uy!"Bakit wala siya?

"Mr.Gwapo!"Tawag ko pa.

"Bakit ka ba sumisigaw?"Napalingon ako sa likod ko."Wala,ano..Tumatawag ako ng kalapati bakit ba?"

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon