Chapter 48.2

1.4K 44 3
                                    


  Chapter 48.2: Reason

  9 months ago

CALEB's POV

    "You are diagnosed with cancer.."
 
   Hindi ko alam nung una kung paano ko tatanggapin ang mga salitang yan.
 
   Parang kagabi lang ay niyaya ko si Elyne na magpakasal, na isasama ko siya pauwi ng Pilipinas. I decided to go to my doctor because lately I don't feel well, nagsusuka ako, nahihilo at ang taas ng lagnat ko..Pero bakit pakiramdam ko ay ito ang pinakamaling desisyon na nagawa ko.

Parang mas maganda na hindi ko na lang nalaman..

   Nakarating ako sa bahay. Ang bigat ng pakiramdam ko.

   Napaupo ako sa lapag at sumandal sa may paanan ng aking kama. I don't know how to feel or what should I do..I cover my eyes with my hands to stop my tears.."What if.. I die? Paano kita mapakakasalan, Elyne?" Napasabunot ako sa aking buhok ko dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.

  Hindi ko alam na nakatulog na lang pala ako sa lapag, maaga akong nagising at nag-ayos ng aking gamit.

   Tinawagan ko ang sekretarya ko. "I'm leaving.."

   Nakaayos na ako't lahat at tinignan ko muna ang kwarto ko bago ko ito isara dahil baka huling beses ko nang makita ito.

   Sumalubong ang itim na kotse sa harapan ko at tinulungan niya ako sa pagbubuhat ng mga maleta. Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Thanks for everything." Nginitian ko siya bago ako pumasok sa loob ng kotse. Habang kami ay nasa daan at tinatanaw ko ang lahat..

  ..Nakita ko si Elyne na nakatayo na parang may hinahanap. Anong ginagawa niya dito sa Central Park?

   "Stop here." Sinunod naman niya ako at bumaba ako ng sasakyan.

   Lalapitan ko na sana siya kaso naglaho ang ngiti ko sa labi nung nakita ko na dumating si Dylan at mukhang may usapan sila na magkikita sila dito ngayon. Nakaramdam ako ng matinding selos, humakbang ako papalapit sa kanila.

  What if..I die?

  Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling, kung bakit ko naiiisip 'to pero dahil dito ay napatigil ako sa paghakbang, tumigil ako dahil alam kong hindi magiging masaya si Elyne kapag nalaman niya na ganito ako kahina, na sa bandang huli ay iiwan ko rin siya.

  Bakit ko pa nakita ang ganitong eksena? Pinapatay ko lang ang sarili ko na hinahayaan ko lang si Elyne na mapunta sa iba.

  Sino ba naman ako sa istorya nila Dylan? Ako lang ang kaibigan ni Elyne..Na kahit kailan ay impossible niyang makatuluyan sa huli. Ako lang yung pangalawa. I'm not her leading man.

   I let out a deep breathe and tears suddenly fell out.

   See you in my dreams..Elyne.

  Naglakas ako ng loob para maglakad na palayo sa kanila. Thankfully, hindi niya ako nakita. Bago ako sumakay ng sasakyan ay lumingon muna ako para siguraduhin na totoo ang lahat ng ito. Mapait akong napangiti saka ako tuluyang umalis.

   Pinatay ko ang cellphone ko para wala na akong matanggap na tawag at text sa kahit sino.

   Pumikit ako at pilit na pinipigilan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hanggang dito na lang siguro ang lahat.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon