Chapter 43

602 19 2
                                    

  Chapter 43: Islet of Geo

Niyaya ako ni Dylan na pumunta sa isang luxury resort ng isa sa mga kilala niyang client na naghahanap ng magaling na expert sa paggawa ng mga desserts and sweets and he recommended me right away. Hindi naman ako tumanggi at dagdag ipon rin ito sa paglilibot ko sa Pilipinas.

Minsan nakaka-frustrate na dahil hindi mo alam kung makikita ko pa ba talaga si Caleb..Pero anong magagawa ko? Mahal ko na. Wala ng atrasan 'to.

Dahil pinapangako ko sa sarili ko na pag hindi kami nagkatuluyan ni Caleb, magiging matandang dalaga ako!

"Salamat." Pinagbuksan ako ni Dylan ng pinto sa backseat. Kasama namin si Kristen at siya naman ang nakaupo sa passenger seat.

Bumaba ako at napanganga sa ganda ng resort. Parang sobrang..Sobrang mamahalin dito.

"So do your best!" Nginitian ako ni Kristen.

"Tingin niyo ba mapi-pleased ko yung kliyente ninyo?"

"Everyone will be amazed with your specialties." Dylan compliments me so I feel so courageous, now I'm thinking about it, it's kinda funny.

"Well, isang araw lang naman ako dito." Kaya ko 'to.

Umalis na sila at huminga naman ako ng malalim at pumasok na sa loob, hinanap ko kung saan ang mini restaurant dito sa buong resort at nakaagaw pansin naman sa'kin ang isang malaking magarbong pagka-lettering ng pangalan.

Deluxe Savur

Savur? It's a french word for 'savor'. I think here it is.

Pumasok ako sa loob at may mga taong summer na summer ang outfit, yung iba'y naglalakad pa ng naka-two piece lang at umoorder dito, marami ring nakatambay rito at tanaw mula dito sa loob ang dagat sa likuran.

I can see the sea!

"Hello, are you Elyne Ferrer?"

Napatingin naman ako sa lalaking lumapit sa'kin and na-sense ko agad ang pagka-vaklush niya. "Yes. Yes, I am. Ako yung pastry chef."

"Sumunod ka na lang sa'kin." He smiled and may pitik pa yung pagkatalikod niya habang konti na lang ay pakembot na ang mga baywang niya. Pumunta kami sa kusina. "Here," Nakikita ko ang mga chef ay busy sa iba't-ibang gawain nila. "You will work here for today."

Pinakita niya sa'kin ang area ko at nagulat ako nung ipinakilala niya ang aking assist sa paggawa ng pastries. "This is Andrew, ang tutulong sa'yo."

"Omg, Andrew?" Napanganga ako. "Grabe halos limang taon na tayo hindi nagkikita, hindi ko ine-expect na makikita kita rito."

"Wow.." He's puzzled pero nginitian niya ako ng malawak. "Pinadala kami dito ni Sir Dylan, para tumulong..Wow lang wait, nabigla lang ako. Ang laki na ng pinagbago mo."

"Hindi naman. Pero wait, if you're here..Nandito rin sila Rina, Kiri, Sarah..Sila Gerald? Karl? Sino pa ba? I mean..I am so excited to meet you guys!" I giggled.

"Ehem," Napatingin kami sa lalaking naga-assist sa'kin. "Magkakilala na pala kayo, may I introduce my self..I'm Rei Riveto, consultant. Ako rin ang mag-guide sa'yo dito."

Tumango ako. "Ituturo ko muna sa'yo kung saan ka magi-stay for tonight then you may work with him." Tinuro niya si Andrew at pinasunod na niya ako sa kanya.

Lumabas pa kami para lang makapunta sa tutuluyan ko para sa araw na ito hanggang sa nakarating kami sa dikit-dikit na rooms na ang exterior style nito ay parang bahay-kubo lang pero ramdam mo agad ang luxury dito, napanganga nanaman ako nung pumasok ako sa room.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon