Chapter 7

1.4K 46 4
                                    


  Chapter 7: White beach resort


   "Anak! Anak! Tumawag yung manager ng resort ng pagta-trabahuan mo! Pasok ka pa daw, may trabaho ka pa!" Nagulat ako sa salubong ni Nanay pagkalabas ko ng banyo dahil kaliligo ko lang.

"Talaga Nay? Totoo yan?!" Natutuwa kong sabi. Hindi ako makapaniwala! "Sasakay ba uli ako ng cruise ship?"

"Hindi na, anak." Nginitian ako ni Nanay na ang sweet-sweet. "Eroplano naman."

"Eh?"

Nakatayo na ako sa loob ng departure area at kumakaway-kaway na sila Nanay. Tama ba 'to? Eroplano naman ang sasakyan ko? Baka naman magkaroon nanaman ng lecheng bomba sa loob ng eroplano at bumagsak!?

Naiiyak akong kumaway sa kanila at pumasok na sa loob dala ang maleta ko.

Hours Later..

"Waaaa! Nakarating ako ng ligtas! Walang bomba sa eroplano!" Kinikilig kong sabi habang niyayakap-yakap ko yung bag pack ko. Pumara ako ng taxi at meron naman agad na huminto,sumakay ako. "Sa White Beach Resort po tayo kuya."

"Sige po,Ma'am!"

DYLAN ALFORD's POV

1 day ago..

"Kailan niyo na daw po bumalik sa White Beach Resort, sa lalong madaling panahon Sir." Nag-report pa yung secretary ko sa bahay. "Madami ng nagrereklamo dahil sa bagong chef."Hinimas ko ang sentido ko. "Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako? Kakarating-rating ko lang mula sa pagka-trapped ko sa isang Island."

"Pero Sir.." Boses pa lang halatang nagmamakaawa na.

"Okay,okay. Pupunta na ako."

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa Small Island na pagmamay-ari namin. Ang daming sumalubong sa'kin.

"Sir nandito na kayo! Yehay!"

"Sir D, buti buhay pa kayo."

Hinimas ko ang ulo nung babaeng chef namin kasi mukhang paiyak na. "Of course,buhay pa ako."

"Oh! Chef D, kamusta? Tatlong linggo ka rin nawala."

"I just need a break." Tumingin ako sa paligid. "Nga pala,nasa'n si Johannes?" Lumapit naman sa'kin si Fred,taga-prepare ng food. "Nag-resign na siya,may emergency daw at baka hindi na siya makabalik."

"Eh sinong magiging pastry chef?"

"Wag kayong mag-alala Chef D! Kumuha na kami ng kapalit."

"Good." Uminat ako. "I'm going upstairs and sleep for 30 minutes at mago-open na tayo,got it?"

"YES SIR!"

ELYNE FERRER's POV

Ilang beses pa kaming naligaw ni Kuya Manong Driver.

"Ha!? Ba't hindi niyo agad sinabi na hindi niyo alam kung saan yung Resort!? Kuya Driver naman eh!" Naluluha na ako dito sa backseat at pinapalo ko si Kuya Manong. "Sorry pu Ma'am."

Naka-ilang ikot pa kami at sa wakas nakarating na kami sa destinasyon namin! Hinihingal akong lumabas ako sa taxi. "Ha! Sa wakas nandito na rin ako!" Binitbit ko yung maleta ko palabas ng taxi. "Salamat Kuya!"

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon