Chapter 32

954 28 5
                                    


Chapter 32: Kristen

    Habang tulala pa ako sa sinabi niya ay kinuha niya yung phone ko at tinawagan si Caleb. "Sunduin mo si Elyne, alam mo naman siguro ang bahay ng pamangkin ni Rod Santos. Bye."

   Pinutol niya agad pagkatapos niyang sabibin ang gusto niya. He looked at me. "Hintayin mo na lang siya dito sa sala."

   Tatayo na siya nung pinigilan at hinawakan ko ang braso niya. "Anong ibig mong sabihing huli na 'to?"

  "Napatawad na kita, naiintindihan kita." Sinasabi niya yan pero wala akong nararamdaman. I feel empty. "Kung yan nga ang totoo, bakit? Hindi ba pwedeng tayo na lang uli? You even kissed me."

   "Si Kristen.." Tinamaan ako ng sakit.

  "Do you love her?"

  "I..I need to take care of her.." Huminga siya ng malalim. "We're strangers from now on."

  "Please..Please..Wag. Sasaktan ka ni Kristen."

"Alam ko." Huh? Anong ibig niya sabihin? "Kung may nalalaman ka man, kalimutan mo na yun. Hayaan mo na yun para hindi magulo ang buhay mo. Don't concern yourself in my life anymore."

  "Alam mo ba yung binabalak ni Kristen?"

  Tumayo siya at pumunta sa may pinto at binuksan niya ito. "Naghihintay na siya sa'yo sa labas. Kukunin ko lang yung damit mo sa taas."Maya-maya ay nakababa na siya at sinuotan niya ako ng coat. "Sa'yo na 'tong coat ko, basa pa yung sa'yo." Nginitian niya ako. Ayokong umalis. Gusto kong manatili dito.

   "Elyne! Let's go!" Sigaw ni Caleb sa labas habang hawak-hawak niya ang payong at hinihintay ako.

   "Go." Tinapik niya ako ng mahina.

  Ang lungkot ng mata niya, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ayokong umalis! Pero..Bakit parang nagmamakaawa na siyang palayain ako at pawalain ako sa buhay niya?

  Inaalalayan niya pa akong lumakad palayo at sinundo na ako ni Caleb sa may pintuan. Lumingon ako sa kanya and his lips are smiling but his eyes are crying. Napahinto ako at tatakbo na sana ako uli papunta kay Dylan pero sinara na niya ang pinto.

  "Elyne! Ano ba! Mababasa ka!" Pinayungan ako agad ni Caleb at inakbayan. "What's wrong? Sumakay na tayo."

   Tumulo ang luha ko.

Abot na abot ko na si Dylan pero hindi siya nagpapahuli. Hindi ko alam kung bakit naging kumplikado ang lahat.

   Simula no'n, parang nag-reset nanaman ang lahat. Bumalik sa pinaka-umpisa kung saan hindi na kami magkakilala. Like there are no connection between us. Pag nagkakasalubong kami sa trabaho ay tinatanguan niya lang ako and he doesn't even call me Elyne anymore--It's Ms. Ferrer. Nakakatawang isipin na bakit lagi kaming nahahantong dito? 

    Parang pinapa-reset sa'min ng pinapa-reset ang lahat. 

Apat na araw ang lumipas. 

  Lumabas na ako ng shop dahil out ko na. Napangiti naman ako nung nakita ko si Caleb na naghihintay sa'kin. "Isang dolyar lang para sa paghatid." 

  "May bayad pa?" Tumawa naman ako. "I really hope that laugh was real." 

   "Sana nga." Hindi pa rin mawala-wala ang karayum na tumutusok sa dibdib ko at araw-araw parang pinipilipit ang dibdib ko at halos nahihirapan ka ng huminga. I sighed. "Tara na. Salamat sa pagsundo." 

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon