Chapter 12

1.3K 46 4
                                    


  Chapter 12: I like you 


 Nasa labas na kaming lahat at inaayos na yung loob ng Van. Bale 9 kaming lahat, si Rina,Gerald,Andrew,Sarah,Karl,Kiri,Anya,si Chef Gwapo at ako. Madami din pala kami,buti na lang at malaki yung Van na ni-rentahan nila Karl at Kiri.

Hinawakan ko yung maleta ko. Ang dami nanaming pinagdaanan ng maleta ko, siya din ang kasama ko nung na-trapped kami sa Isla ni Chef Gwapo. Mahal na mahal ko talaga 'tong maleta ko.

"Uwaaa~" Humikab ako. Inaantok pa ako. 4 pa lang kasi ng umaga at ang hamog-hamog pa dito,sarap matulog.

"Inaantok ako." Nabuhayan ako bigla nung pinatong ni Dylan yung mukha niya sa noo ko. "Inaantok din ako, at sinong may sabi na pwede kang matulog sa ulo ko?"

"Ang liit mo kasi," Naramdaman kong parang inaamoy-amoy niya pa yung buhok ko. "Bakit ka ba kasi sumama? We should stay here, the two of us."

"Gusto mong suntukin kita?"

Hindi ko rin namang gustong sumama,kaso wala napasubo na.

"Ayoko." Pagtanggi niya. "Then, when I have a chance.." Lumapit siya sa tenga ko at gusto kong bumaluktot dahil nakikiliti ako at may nararamdaman akong kung ano sa tiyan ko. "..I will kidnapped you."

Sinipa ko siya at mukhang natamaan ko yung paa niya partida nakatalikod pa ako.

"Elyne! Dito ka uupo, syempre katabi mo si Chef D."

"Hindi ba pwedeng si Rina o si Anya o si Sarah na lang katabi ko atsaka parang ang sikip sa likod." Pagdadahilan ko. "Wag kang maarte,pumasok ka na." Tinulak-tulak pa ako ni Karl. Ano ba yan wala naman akong lusot dito!

Umandar na ang sasakyan. "GOOOOO~!" Sigaw nila at ako hikab ng hikab. Gusto ko talaga matulog.

Nasa backseat kaming apat. Ganito ang arrangement namin. Rina à Andrew à Chef Gwapo à Ako maganda. Sa Front seat naman sila Gerald à Sarah à Ayna, si Karl yung nagda-drive and nasa passenger seat naman si Kiri.

Niyakap-yakap ko yung bag ko at pumikit. Madilim-dilim pa sa kalsada,jusko naman kasi 4 a.m pa lang,mga excited naman 'tong mga 'to, isang oras pa lang tulog ko.

"Inaantok ka ba?" Dumilat ako at tinignan si Dylan at pumikit ako uli. "Bakit ha? May gagawin kang masama pag natulog ako?"

"Oo sana kaso may mga kasama tayo."

"Ewan, matutulog na ako." Inikot ko ang ulo ko at tumingin sa view sa labas at inunan ko yung bag ko para makatulog ako.

Medyo naalipungatan na ako at ang lambot ng yakap ko,sa bagay puro damit naman laman ng bag ko,pero ba't parang lumaki? Ang bangooooo~ Inangat ko ang ulo ko at siniksik ko maigi do'n sa mabangong bahagi.

"Are you going to sniff me like a dog?" Hmm? Nagsalita ba yung bag ko? Teka.. Dumilat ako at tumambad sa'kin yung leeg na mabango at maputi, inangat ko yung ulo ko at nanlaki ang mata ko na konti na lang magdidikit na yung mga labi namin ni Dylan kaya agad akong lumayo.

*ehem-ehem-ehem*

Nilibot ko yung tingin ko sa van. "N-Nasa'n na sila?"

"Bumili sila ng snacks do'n sa convenience store *tinuro ni Dylan yung convenience store* sasama sana ako kaso nakapalupot ka sa'kin kaya nagpa-iwan na din ako." Sinuot niya yung shades niya at sumandal sa upuan.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon