Chapter 42

562 11 0
                                    


  Chapter 42: Daebak

Dumaan kami ni Tatay sa bagong bakery namin at isa nanamang surpresa ang tumambad sa'kin dahil ang simpleng bakery namin ay naging dessert shop na. At ipinangalan pa nila dito ay Ely's Sweets and Treats na palayaw ko.

Napayakap ako kay Tatay. "Tay maraming salamat pagbuo ng pangarap ko."

"Ikaw ang bumuo ng lahat ng ito, gumabay lang ako." Hinalikan ako sa noo ni Tatay at pumasok na kami sa loob ng shop.

Makulay sa loob, nakakarefresh ang feeling na parang maku-cool ang isip mo at sobrang relaxing. Mukhang mamahalin pa ang biniling upuan dito at talaga nga namang napakalambot. May iilan din palang nagta-trabaho dito.

"Sigurado akong kapag dito ka nagtrabaho ay lalago ang negosyo at pwede tayong magdagdag ng ilang branch sa iba't-ibang lugar kapag dumami na ang demand sa customer." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Tatay at the same time ay nahiya. "Hindi naman po ako gano'n kagaling, Tay."

"Ikaw pa rin ang the best."

"Hay..Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na kahit na highschool lang ang natapos ko at nung una ay hindi pa ako marunong mag-ingles ay hindi yun naging hadlang para matupad ko lahat ng 'to. Kahit sobrang hirap basta para sa inyo."

Hinawakan ko ang putol na kamay ng aking ama..Sumandal ako sa balikat niya at pinipigilan na umusad palabas ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "Ako na ang tutuloy ng pangarap niyo, Tay. Ako na ang magiging kamay mo sa lahat ng ito.."

Naramdaman ko namang isinandal ng aking ama ang ulo niya sa ulo ko.

"Excuse me po, kayo po ba si Elyne Ferrer?"

"Oh.." Napatingin ako sa dalawang babaeng lumapit sa'kin. Napatakip sila ng bibig. "Kayo nga po! Omg, hindi ko akalain na makikita ko kayo dito!"

"Kayo po ba ang nagmamay-ari ng shop na ito?"

"Hmm..Oo ako nga, paano niyo ako nakilala?" Pagtataka ko. "Sikat po kayo sa larangan ng paggawa ng desserts, lalo na ang mga sarili niyong specialty na sariling recipe niyo! Nababasa namin kayo sa magazine. Food Vlogger din kami."

"Talaga? Hindi ko inaasahan na may interesadong magbasa ng magazine." Nahiya naman ako bigla.

"Nakaka-inspire po kasi ang story ninyo, na hindi talaga hadlang ang kahirapan at mga dagok sa buhay basta positive at masipag!" Pagkasabi ng isang dalagita no'n ay nilabas niya ang isang camera niya. "Pwede ko po ba kayong kunan ng litrato? Ipo-post ko lang po sa vlog ko."

"Sa akin rin po!"

"O-Okay." Ngumiti ako.Nagpa-picture silang dalawa sa'kin at kinunan rin nila kaming dalawa ni Tatay pati ang shop. Siguro ay iku-kwento ang storya ko sa vlog nila at natutuwa ako dahil may nai-inspire pala ako ng hindi ko alam.

Hindi ko alam na may makakakilala sa'kin dito sa Pilipinas at may mga bata pa rin talagang mahilig magbasa tungkol sa Food and nutrion at iba't-ibang putahe. Minsan kasi karamihan ay wala ng paki at tinatamad na pagdating sa ganoon.

"Maraming salamat po!"

"Sana matikman namin sa susunod ang specialty niyo, Ms. Elyne!"

Nagpaalam na silang dalawa at masayang lumabas ng shop. "Ganito pala pag sikat ka na, pogi ba ako nak? Baka ang pangit ng anggulo nila."

Natawa ako at pinisil yung magkabilang pisngi ni Tatay. "Ang pogi-pogi mo Tay! Kahit saang anggulo!"

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon