Chapter 34

987 38 9
                                    


  Chapter 34: Found it's perfect harmony

   Nag-stop muna kami sa unang destinasyon namin ni Caleb, ang Central Park na isa sa tourist spot ng New York. You can see the leaves falling down and waiting for the first snow to come. Marami pa rin ang dumadaan dito kahit na winter.

   We both exhale exaggeratedly as our breath mixed in the cold breeze.

   "Ang lamig."

   "Gusto mo bang yakapin ako?" Natatawang sabi ni Caleb. "Kaya kong tiniisin ang lamig kahit ikamatay ko pa." Nginitian ko siya ng fake.

  "Muntik mo na nga akong gahasain dati tapos ganyan ka? Is that your new tactic, Baby Cheeks?" Pinisil niya yung pisngi ko at akma ko namang kakagatin ang kamay niya kaya iniwas niya ito. Langyang 'to!

  "Hoy!" Madiin ko siyang tinuro. "Sino ba naman kasing may sabing maligo ka sa condo ko ng walang paalam, eh alam mo namang sira dati yung lock ng banyo?"

  "Sus, sinadya mo yun para lang masilipan mo ako eh."

  "Eh kung ipasilip ko kaya sa'yo ang kabilang buhay?"

  Napatigil ako sa paglalakad nung may nakita akong clover leaf sa gitna ng mga dahong nakakalat. Tumakbo ako at nag-squat para kuhain ito. "It's a clover leaf." Saad niya at tinabihan ako sa pag-upo.

   Kinuha niya yung dahon at tinignan. "Do you know? Merong kasabihan na pag nakakita ka raw ng clover leaf, out of nowhere ibig sabihin kasama mo ang makakasama mo habang-buhay?"

  There's a weird beat in my heart when he states that weird trivia and this is weird.

  Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

   Siya ang kasama ko ngayon so..

  "Inimbento mo yan no? Patawa ka!" Hinampas ko ang braso niya at tumayo ako para mawala ang pagka-awkward ko.

   Itatanong ko uli 'to! Bakit ako awkward!? Ako? Awkward dito kay Caleb!? No way!

  Nagtaka ako dahil hindi pa rin siya tumatayo at tinitignan niya pa rin yung clover leaf. Is it true?

  Tumingin siya sa'kin then he stood up. "Let's go. Lumalamig na ng sobra, buksan na natin yung heater sa kotse."

   Napa-isip ako sa sinabi ni Caleb..Why did he tell a lie like that? Or a joke..Or is it..He has feelings for me?

  Nakasakay na kami ng kotse nung nahihirapan ako maglagay ng seatbelt at halos manggigil ako kahihila dito. "Ako na." Then next thing I know is Caleb is just inches from me, I was stunned for a moment.

  Hindi ko namalayan na umaandar na pala kami.

  "You okay?" Nabalik ako sa diwa nung kinausap niya ako at bigla kong sinampal ang sarili ko ng malakas. Fvck! Hinimas ko agad yung pisngi ko. "Aray! Aray!"

  "What the hell? Bakit mo sinampal ang sarili mo? Okay ka lang ba?"

  "Hindi ako manhid pero ayoko maging assumera, kailangan ko gumising." Pinikit ko ng madiin ang mata ko at kailangan kong gisingin ang sarili ko na nababaliw na.

  "Ha? Anong sabi mo?" Huminga ako ng malalim at tinignan si Caleb with bagang to bagang ang ngiti. "Wala-wala, may lamok sa pisngi ko, ang sakit ng kagat eh, nawala ako sa katinuan."

  "Woo~ That's the first time I saw you doing something so..wild."

  "Paraan minsan yun ng tao para magising sa katotohanan. Try mo, masaya." I proudly recommended it to him. Mukha akong tanga.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon