Chapter 44

621 20 2
                                    


Chapter 44: Lie

    Walang bakas ng pagkagulat ang mga mata niya nung nakita niya ako. He look so calm.

  Bigla siyang lumapit sa'kin at napasandal ako sa may pinto. Nagulat ako, pero sinulyapan niya lang ako na para bang nawi-wirduhan siya sa pagka-react ko dahil lang sa paglapit niya.

  May nilabas siyang bagay sa bulsa niya at sinusian na ang pinto.

  What the..I did overreact.

  "Kamusta? Anong ginagawa mo dito?" Kaswal na tanong niya sa'kin.

  For seven months, you left without saying anything and now you're asking me that? Gusto kong isigaw sa kanya yun pero nanunuyo yata ang lalamunan ko. "H-Ha? Ah..Ano..D-Diyan ako sa may kabilang room." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

  As if the years we've spent together are non-existent, na parang hindi na kami magkakilala..Na parang ang layo-layo nanamin sa isa't-isa.

  "Oh yeah?" He nodded.

  Binuksan niya yung pinto niya at akma na siyang papasok nung tumingin siya sa'kin. "Do you want to come in? Pero medyo pagod na ako."

  Yayayain ako pumasok tapos sasabihin niyang pagod siya..I can't understand. "H-Ha? Wag na..Papasok na rin ako sa kwarto ko."

  I looked at him..Tinignan ko siya ng diretso, my god. It was only a few seconds pero parang nakumpleto ang buong seven months na wala siya. Sa sandaling tinignan ko lang siya..I can't help but to be happy and to be sad at the same time.

  "G-Goodnight."

  Lumakad na ako sa kwarto ko at pumasok na. I didn't hear him response pero okay lang, masaya ako.

  But the way he looked at me.. "Mukhang pagod siya o talagang hindi lang siya masayang makita ako?"

  Umiling ako, ang mahalaga ay nagkita na kami!

   Pero nakakapunyeta lang talaga..

Gumising ako ng umaga para sana gusto ko uling makita si Caleb pag lumabas siya kaya naglibot-libot muna ako sa resort hanggang sa napadpad ako sa swimming pool sa loob. Open siya at imbis na matuwa sana ako sa view, kumulo na agad ang dugo ko dahil nakita ko si Caleb na may kasamang babae sa pool.

  Seven months..Sa seven months, nagka-girlfriend na ba siya?

  Inalalayan pa ni Caleb nung umahon ang babae, she's wearing a two piece swimsuit and she's so sexy! Where the hell did Caleb find someone like that!

  Naka-short lang ako at puting shirt dahil ito ang pinantutulog ko. Should I take off my top? Natatakot ako baka hindi naman ako ganon ka-sexy.

  Fvck, "Kumain pa ako ng baboy kagabi." Napapikit ako.

  Naglakad pa ako papalapit sa pool para makita nila ako.

  Umahon na rin si Caleb at binalutan ng towel ang babae. Sobrang nilalamon ako ng selos. Naiinis ako, gusto kong ipadala ang babae sa ibang planeta para hindi na siya makalapit kay Caleb.

  Tinignan ko ang tubig sa pool. Huminga ako ng malalim at sinawsaw ko yung paa ko. "Ang lalim.." Natakot ako bigla. "Kaya kong rumampa ng swimsuit pero hindi ko talaga kayang lumangoy."

  Hanggang ngayon siguro, nato-trauma pa rin ako nung muntik na akong malunod sa dagat nung na-trapped kami ni Dylan dahil lang sa pinulikat ako.

  "Elyne?"

"AH!" Hindi ko alam ang nangyari basta dahil sa gulat ko ay bigla akong nadulas.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon