Chapter 14

1.3K 46 4
                                    


Chapter 14: Problema


Nagising ako at ang dilim sa kwarto. Nakita kong tulog na sila Kiri at Rina. "Oo nga pala, uminom ako." Napahawak ako sa ulo ko at umupo. Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Papunta na akong kusina at kinukusot ko yung mata ko nung nakita ko na umiinom ng tubig si Dylan, nabuhayan bigla ako at bumilis ang tibok ng puso ko na parang kabadong-kabado ako.

"Are you okay? Lasing ka daw." Napangiti naman ako kasi tinanong niya kung okay lang ako. "Oo, ayos lang ako."

Tumunog ang tiyan ko kaya naman ay nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa tiyan ko. "At medyo gutom."

"Sit down, ipagluluto kita."

"Hindi okay lang talaga ako."

"Sit down." Ma-otoridad niyang sabi sa'kin. "Sabi ko nga eto na nga eh." Umupo ako at nagsimula naman siyang magkalkal ng ingredients sa ref at pinaglalabas niya 'to. Tumayo ako at nilapitan ko siya habang naghihiwa siya ng carrots. "Ano ba yan? Gusto mo tulungan kita?"

"Chop seuy, and no thanks umupo ka na lang do'n, mabilis lang 'to."

Ngumuso ako at tumalikod sa kanya kaso humarap ako uli. "Sure ka?"

"Yes."

"Kahit ako na lang maghihiwa."

"No."

"Ah, tubig? Kuha kita tubig?"

"I just drank."

"Ayaw mo talagang tulungan kita diyan? Baka you know nahihirapan ka."

Humarap siya sa'kin. "Just keep quiet and sit." Nag-peace sign ako. "Eto na, eto na." Ngumiti ako. Nakakatuwa lang dahil nakakausap ko na siya uli ng parang katulad dati.

Wala pang isang oras natapos na siya agad magluto at ang bango~ "Ang bango naman nito!" Excited akong kumain at tinignan niya lang ako. "Hmmm~! Ang sarap!"

"I'm going upstairs, ikaw na bahala diyan, hinugasan ko na rin yung mga kawali kaya wala ka ng iintindihin." Sabi niya habang nagpupunas siya ng kamay. Napatigil ako sa pagkain. "Teka, aalis ka na?"

"Ah. Yes. Pagod na ako."

"Ganon ba? G-Goodnight."

Kumain na lang ako mag-isa dito sa kusina at pagkatapos ay bumalik na ako sa higaan. Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Nagbuntong-hininga ako, hay bukas ko na lang po-problemahin 'to.

Ngayon, last day nanamin sa 'road trip' na 'to na nasa rest house naman kami nila Karl. Nagluluto kami ng tanghalian namin.

"Malupet nga 'to si Elyne, uminom ba naman ng 5 boteng cans kahapon!" Natatawang sabi ni Kiri. "Buti nandoon sa loob si Andrew at binabantayan 'to si Elyne, mamaya may pumasok sa loob ng Van na kung sino, napahamak ka pa." Sabi ni Gerald habang naghihiwa ng ingredients.

Si Andrew?

"Hehehe, hindi kasi ako nag-iwan ng tubig!" Pagdadahilan ko.

"Tanghali na Chef D ah!" Napalingon ako agad dahil binati ni Rina si Chef D. "Napapasarap ang tulog!" Kantyaw pa ni Sarah.

"What are you cooking?"

"Beef Steak, Marinated Salmon and mechado Chef." Nagtaas pa ng kamay si Karl.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon