Chapter 13

1.2K 50 5
                                    


  Chapter 13: Truth or dare


KARL's POV

Nasa living room kaming mga lalaki dito sa baba habang nasa taas naman ang mga babae. Ewan ko kung nasa'ng kwarto sila pero nando'n sila lahat. Nagpapahinga muna kami dito, kaming dalawa ni Gerald ay nakahiga, ako sa sofa at siya naman sa may carpet, si Dylan naman at si Andrew ay naka-relax sa kanya-kanya nilang sofa.

" Tawagin na kaya natin sila? Uminom na tayo sa labas tas mag-barbecue party na lang tayo." Suhestiyon nitong si Gerald.

"Sige ikaw magluto mag-isa do'n, dito lang kami magpapahinga." Pambabara ni Andrew. "Pambihira naman 'to nagugutom na ako."

"Mas nagugutom ako." Hinimas pa ni Andrew yung tiyan niya.

"Magsu-swimsuit ba yung mga babae pag nag-swimming sa pool? Nakaka-excite makikita natin ang makikinis—" Pinitik ko sa noo si Gerald. "Ang manyak mo, gago!" Natawa ako.

"Sus, porke kayo na ni Kiri nagi-inosente-inosentehan ka diyan, ulol ka."

"Pero pre," Nginitian ko siya. "Ano kaya itsura ni Elyne pag naka-swimsuit? Mukhang bagay sa kanya." Talagang nilakasan ko yung boses ko para pumasok sa kokote nitong sila Dylan at Andrew.

Pareho silang umiwas ng tingin at nag-isip.

Nagtinginan kami ni Gerald at natawa sa kanilang dalawa.

ELYNE FERRER's POV

Nagluluto na kami ng barbecue dito sa may garden at ang lamig ng simoy ng hangin at naka-upo lang kami sa damuhan, pinatungan lang naming ng isang malaking picnic blanket at pumaikot kami. Nagi-inuman sila at kaming dalawa ni Kiri ay hindi umiinom,juice lang dahil parang wala ako sa mood uminom, eto namang si Kiri ayaw painumin ni Karl! OMG!

Nagkakatuwaan pa kami dahil sa kwentuhan.

Katabi ko sa kanan si Andrew at katabi ko sa kaliwa si Ayna. Nasa harapan ko naman si Chef Gwapo na tumatawa din.

"TRUTH OR DARE TAYOOO!" Tinaas pa ni Gerald yung alak niya. "Pag hindi nagawa, limang basong beer na straight."

"Game!" Nagtaas pa ng kamay si Sarah.

"Aba! Drinker pala 'to si Sarah." Sabi ni Karl. "Oo, nakakaubos yan ng isang case eh." Singit ni Ayna. Nagulat kaming lahat at tinignan si Sarah ng shock na shock na expression. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti.

"Really huh?" Natatawang napa-iling pa si Chef Gwapo.

"Sali ka Chef D ah! Truth or dare!" He smiled—Omg? Sa'n ko napulot ang English nay yan? "Okay."

"Okay, I'm first." Pinaikot ni Sarah yung bote sa gitna at tumutok kay Kiri. "Truth or Dare?" Nakangising tanong niya."Ano ba yan ako talaga agad?" Nag-isip siya. "I think..Truth na lang."

"Nag-sex na ba kayo ni Karl?" Diretsong tanong ni Sarah na ngising-ngisi na lampas mukha niya! Loka-loka 'tong babaeng 'to!

"WOAH!"

Nagpalakpakan pa sila at tumatawa.

" Bro! Did you do 'it'?" Sinuntok pa pabiro ni Andrew sa braso si Karl. "I'm not going to answer, let's hear it from her." Tinuro niya si Kiri at namumula na siya.

"Actually..Momol lang." Nahihiyang sagot ni Kiri at natatawa naman kami.

"Make out make out lang?!" Sumigaw naman 'to bigla si Ayna. "Ano ba naman yan Karl! Ikaw na hayup na playboy hanggang Momol!?" Pang-aasar ni Ayna.

Trapped In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon