10

61 15 42
                                    


Dedicated to @CatlynTeodosio . Here's your request, bebe, thank you for reading!

***

Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasa loob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.

Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God, talaga at hindi ako nakita ni Spencer!

'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.

Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may 'di matinag na puwersa ang pumipigil sa 'kin. Napansin naman niya kaagad kaya bumuntong-hininga siya at saglit na binalingan ang sariling wristwatch.

Base sa itsura niya, mukhang may gusto pa siyang gawin na 'di niya lang masabi.

"Okay ka lang?" kaagad kong tanong. Kanina pa kasi kami magkaharap, pero para siyang tulala na ewan, halatang ako lang ang hinihintay na unang magtanong.

At siyempre, ayaw ko naman siyang pahirapan. "May aasikasuhin ka pa?" pagbabakasakali ko na naman.

"Well," tugon niya sa nahihiyang boses, "may ano... May kikitain sana ako."

"Sino?" tanong ko kaagad. Hmm, sino kaya kaya ang dahilan kaya siya ganito ngayon? 'Di naman kasi ako naniniwala na work related 'to. "May boyfriend ka na?" inosente kong tanong. Nang 'di naman siya nakasagot ay na-realize kong tama nga ako ng iniisip.

"You don't need to know his name, Frency," pagsasaway niya sa 'kin, humihingang malalim. "Come out, i-i-enroll na kita."

"'Wag na," reklamo ko. Lumabas ako at sumadal sa isang poste. Nalilito niya naman akong tinitigan na parang isang napakahirap na puzzle ang mukha ko. "Iwan mo na lang ako rito, pagkatapos ay balikan mo mamaya."

"Hapon na," bulong niya sa ere at mas lalo pang kumunot ang noo. "Mama will going to be mad at me for sure."

"Ay, wala na 'yang problema! 'Di ako magsusumbong!" sigaw ko kaagad. Well, kahit na ano pa ang mangyari ay 'di talaga ako magsusumbong, 'no. 'Di ko ma-imagine ang sarili na ginagawa ang ganoong bagay. Baka isipin nilang bata ako na naagawan ng candy.

At isa pa, nakakaawa talaga ang mukha ni ate ngayon, para siyang maiiyak na. Nakakalito tuloy siya. Gusto ko lang naman ipahatid sa kaniya na kaya ko namang maghintay rito. Kahit pang-elementary 'tong height ko ay kaya ko naman na protektahan ang sarili sa kung ano.

Wala rin naman akong dala na alahas dahil unang-unang sa lahat ay wala naman ako no'n, kaya malabong may holdapper na lalapit sa 'kin.

"Are you sure?" muli niya na namang tanong. Akma pa nga sana akong tatango nang biglaan niya akong tinalikuran. Halata na excited, e'. Halata sa mga kilos. "Saan ka mag-i-stay? May pera ka?" muli nitong tanong at nag-abot pa ng pera sa 'kin. "Here, buy the things you want or kumain ka sa mga restaurant malapit dito."

"Masyado 'tong malaki," bulong ko sa hangin at binabaan ng tingin ang pera at balik naman sa mukha niya. "Papaano kung wala akong mabili?"

"Come on, that's only five thousand pesos," nakangiwi niyang sabi sa 'kin. Pero ganoon na nga lang ang panlalaki ng mga mata ko nang muli niya 'kong binigyan ng pera. Sa tingin ko'y another five thousand na naman 'to.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon