"Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina."
"Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."
Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin.
"Umalis na lang tayo," walang kangiti-ngiting sabad ni Joyce at humakbang ng dalawang beses, nagkikibit ng balikat. "Kailangan niya ng oras para makapag-isip-isip."
"'Di ba mas maganda kung nasa tabi niya tayo?" mahinang tanong ni Lowelyn, halata ang lungkot sa boses. Walang gana niya na ngang nilagay ang phone pabalik sa bulsa niya. "Para ma-feel niyang may karamay siya."
Kung normal lang 'ata ang araw na 'to ay baka asarin ko sila sa pagiging seryoso, pero hindi, e'. Pati nga ako'y nawalan na rin ng gana na maglakad pa. Parang gusto ko na lang humiga sa kinatatayuan kong 'to at mag-isip ng paraan para mapagaan namin ang loob ni Ytang. 'Di ako expert sa ganitong bagay, pero sigurado namang kahit kaunti ay may maitutulong din ako.
"Punta nalang muna ako sa Pinterest," walang gana kong sabi, hawak-hawak ang phone. "Maghahanap ako ng pictures ng mga lalaki, kasi baka mapangiti si Ytang kapag pinakita natin sa kaniya."
"Mas maganda kung puntahan na natin siya ngayon!" nagpapadyak-padyak na sigaw ni Lowelyn at akma na sanang tatalikod para tuluyang buksan ang pintuan nang hilain siya ni Joyce pabalik sa dati nitong puwesto. "Mas maganda kung may katabi siya!" malungkot niyang sabi kay Joyce.
"Let's just give her more space," ani ni Joyce, kagaya namin ay nasa mga mata rin ang lungkot. "She needs that, for being alone is the best thing to realize something. Mamaya na lang natin siya kausapin."
"Pero papaano kung hanggang mamaya, e', 'di pa rin siya okay? Ano na ang gagawin natin?" litong tanong ni Lowelyn at panay pa ang baling sa 'kin na para bang humihingi ng tulong. "What if umiiyak pa rin siya hanggang ngayon?"
"Trust me, papasalamatan niya tayo mamaya," simpleng sabi ni Joyce at akma na sanang tatalikod pero napahinto lang nang maramdaman na 'di pa rin kami umiimik ni Lowelyn. Tumingin 'to sa 'kin saka malalim na buntong-hininga. Wala akong mapili kung ano ba dapat ang gawin. May point din naman kasi si Joyce, na kailangan na may ma-realize si Ytang, at mangyayari lang 'yan kapag hahayaan namin siyang mag-isa, pero ginagambala kasi ako ni Lowelyn. Gusto ko na rin tuloy na yakapin si Ytang ngayon din.
Ganoon na nga lang ang pag-ayos ko ng tayo nang bumukas ang pinto, at bumungad sa 'min ang blangkong mukha ni Ytang, pero nang makita niya kami'y kaagad na lumiwanag ang mukha niya. Nagtatalun-talon pa nga 'to na para bang nanalo sa lotto.
"Wait, wait, wait!" kinikilig pa 'tong napasigaw. "Balak niyo kong i-house raid 'no? Hoy, Lowelyn, balak mo, 'no?"
"Ha?" garalgal na sagot ni Lowelyn, para 'tong nahuli sa isang kasalanan. "Pinagsasabi mo riyan? Mag-tooth brush ka nga, baho ng bunganga!" Nag-asaran na nga ang dalawa, at nagkatinginan nalang kami ni Joyce saka parehong napailing. Nakakalito si Ytang, ang galing niyang umakto na okay ang lahat kahit na hindi. Hayst, nakakalito.
"Tara!" sigaw ni Ytang at humakbang. May kinuha 'tong lock sa bulsa at sinarado ang pinto ng bahay. 'Di nagtagal ay nakangisi na 'tong humarap at isa-isa kaming tiningnan. Naghanap naman ako ng lungkot sa mga mata niya, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Napabuntong-hininga ako. "Gala tayo!"

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.