If my pillows could talk, I was sure they would voice out their rants about me hugging them so tightly. Kung nakakagalaw lang talaga sila, marahil ay kanina pa nila ako sinapak.
Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili. Papaano na 'to ngayon? Ano na ba ang dapat kong gawin? Should I force myself to act like I was totally fine? Or should I rest as what Ytang kept reminding me.
Pero kasi... Ang hirap-hirap ng ganito, 'yung tipong para akong nakalutang sa malamig na sabaw. 'Yung pakiramdam na gusto mong gumalaw pero ayaw ng katawan mo. Ganoon—ganoon ang eksakto kong nararamdaman ngayon.
I palmed my face using my free hand, my mind overthinking again. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Was he waiting again? Was he mad? Shems, the latter gave me undescribable feelings.
Hindi na rin kataka-taka pa na kung hindi ko siya masisipot ay magagalit siya sa 'kin. I promised to be there, not to mention I was the one who begged to have a formal meeting with him. Sigurado akong naka-line up na nang maayos ang schedule niya, at nang dahil sa 'kin magkakagulo-gulo lang ang lahat.
Shems, iniisip ko pa lang ang reaksyon niya habang hinihintay ako ay sumasakit na ang dibdib ko. I picked up my phone on my nightstand, still feeling tired. Masakit man isipin pero bagaman naka-save na ang phone number niya ay 'di siya ang pinili kong makausap, kundi ang secretary niya na lang.
I talked to his secretary through phone, I spoke using Spanish language so that we could understand each other. I mentioned all the plausible reason why I ended up postponing our meeting. Of course, I announced the truth, too. I was sick. I was feeling so down. I felt so heavy. Lahat ng mga 'yan ay sinabi ko.
"Babalik talaga ako mamaya, ah. May pupuntahan lang ako," naiiyak na sabi ni Ytang. Kagabi, nabanggit niyang kailangan niya pang makita 'yung isa niyang pamangkin kasi bago pa lang daw 'to sa bansa at kailangan ng guide para 'di maligaw. Pero nga lang, nagdadalawang-isip siya kung iiwan ba ako o hindi.
Datapwat may sakit sa katawan ay tinawanan ko na lang siya, habang mapapansin pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.
"Ytang, mag-to-twenty-eight na 'ko. Hindi na ako bata. Lagnat lang kasi 'to! Ba't ka pa nagpapaalam?" pag-a-assure ko sa kaniya. "May mga maids naman. Hihingi ako ng tulong sa kanila."
Pumikit-pikit ako nang maramdaman ang hapdi ng mga mata ko. Talagang gusto na nga nilang pumikit. Isang nagmamadaling tapik lang ang natanggap ko kay Ytang, hanggang sa ako na nga lang ang naiwan sa napakatahimik na silid.
Untill now, I could not believe how playful the destiny was. Sa dinami-raming pagkakataon, ba't ngayon pa 'ko sinumpong ng lagnat? Ba't 'di na lang kasi bukas?
Biglang bumalik si Ytang. Sinabi niya sa 'kin na siya na lang ang magbibigay kay Hershly ng letter na sinulat ko kagabi. Paalala ko naman kay Ytang, kahit sa secretary na lang ni Spencer niya 'yun ibigay para 'di na siya mahirapan sa paghahanap kay Hershly.
'Di ko namalayan na nakaidlip pala ako! Sa tingin ko'y isang oras akong nakatulog. Mukhang tanghali pa rin naman. Lumabas ako ng kwarto at kumain. Hindi naman naging mahirap sa 'kin kasi may mga maids na umalalay sa 'kin.
"May nakita ka na ba?" I was now facing Ate Fin, my dearest manager who did a lot of crazy things just to protect my name. I never expected she would come here, but I was glad for I thought I also needed to have a formal talk with her.
"I am still searching," I pursed my lips. Ngayon ay muli ko na namang naiisip si Spencer. Sigurado akong galit o nagtatampo na 'yun ngayon. Kaya nga ay naiinis na ako sa sarili ko ngayon. Ako na nga 'tong nagmakaawa kahapon, ako pa 'tong nagkagana na 'di sumipot.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.