Dedicated _Wixard***
"Buong angkan?" nalilito kong naitanong at napahawak sa sariling baba. "Kasya ba silang lahat dito? I mean, malawak naman ang lugar, pero isang clan talaga?" Masyado naman 'tong komplikado. I am sure maraming Rejez sa mundo, lalo na mula sa ibang bansa.
"Yung mga close relative lang naman," sagot ni Ytang, naglilibot-libot 'to ng tingin sa paligid, tuloy ay nadamay na rin ako. Kaya ay napansin ko kung gaano ka-engrande ang lugar. May mga purple-colored pots na naka-hang sa bawat daan. Kahit 'di pa gabi ay nagsasayawan na rin ang mga disco light. Hindi pa siya klaro, pero mamaya ay siguradong mas lalo na 'tong mahaha-highlight.
Hinayaan na lang namin si Ytang na pumili ng table tutal ay mukhang matagal niya na 'tong pinag-isipan.
"Papaano si Hershly?" tanong ni Lowelyn. Napatingin kaming lahat sa kaniya, naging kuryuso na rin. Speaking of Hershly, siguradong nandito siya ngayon kasi birthday ng mama niya. Ang kinakatakutan ko na lang ay 'yung moment na magtatagpo kami.
Sina Lowelyn at Ytang naman... 'Di ko mabasa ang nasa isipan nila. 'Di ko alam kong willing ba silang magpakumbaba kahit ngayong araw man lang. Sana naman ay 'wag silang mag-away. E', kami ang mas mapapahiya. At papaano kung papalayasin kami? Naku...
"Frency, 'wag ka nang mag-isip-isip diyan," natatawang sabi ni Lowelyn at nakayanan pa 'kong tapikin. Samantala ay pinaningkitan ko na lang siya ng mata para mas ma-obserbahan ang takbo ng isip niya. "Good mood kami ni Ytang ngayon."
Tumango ako at umayos ng upo. Nang may isang babae na naka-uniform ang naglapag ng drink sa pa-circle na table sa harap namin ay kaagad ko 'tong kinuha at ininum para magkaroon ng mapagkakaabalahan. Sina Lowelyn naman at Ytang ay 'di ko makausap nang matino, kasi kung saan-saan sila tumitingin, kaya si Joyce na lang talaga ang nakakausap ko.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari?" malungkot kong tanong kay Joyce. "Seryoso ba si Lowelyn sa sinabi niyang good mood siya ngayon o what?"
"Mukhang seryoso naman," tugon ni Joyce sa 'kin. "Mukhang wala namang away na mangyayari."
'Di ko alam kong nagsasabi ba ng totoo si Joyce o talagang pinapagaan niya lang ang loob ko para 'di ako mahimatay sa sobrang pag-iisip sa kinauupuan kong 'to. Ito kasing si Ytang... Bakit sa dinami-rami ng nagbi-birthday ngayong araw ay 'yung related pa kay Hershly ang napili?
Speaking of Hershly naman... 'Di sa ayaw ko sa kaniya pero parang malapit na nga sa pagiging ganoon. Basta ay 'di ako komportable kapag nandiyan lalo na kapag nandiyan din sina Ytang at Lowelyn.
"Kailan ka bibili ng school supplies?" tanong ko kay Joyce at saka itinaas pa ang leeg para makita kung sino ang mga bagong dating.
"Hindi pa," simpleng tugon niya. "Bakit? Ikaw? Kailan ka bibili?"
"Kapag may pera." Ngumiti ako nang tipid at kiniskis ang dalawang kamay sa sariling hita. "Nakakahiya kayang humingi ng pera kay papa. Kaya nalilito na 'ko kung saan ako kukuha ng pera."
"Sa ate mo," suhestiyon niya. "Or kay Lola Fel mo."
"E', mas lalo 'yung nakakahiya." Matapos sumagot ay saka ko nakita ang pamilyar na mga mukha na pumasok sa gate. Kahit na naka-heavy make-up ang iilan sa kanila ay 'di ako maaaring magkamali. Sila 'yung kasama ni Spencer noong nasa iisang Starbucks kami! Sila 'yung umipit sa 'kin at nagtanong kung bakit ako sumama sa kanila. Bigla ay napasimangot ako. Roon lang ako napangiti nang may isang babae ang kumaway sa 'kin.
At kung 'di ako nagkakamali ay si Red 'to, 'yung parang may gusto sa prof niya. Kahit na isa siya sa mga babae na naka-heavy make-up ay pamilyar pa rin sa 'kin ang mga mata niya.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Novela Juvenil"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.