"Hindi ko naman 'yan naihulog," sa mahinang boses na sabi ni Spencer.
Tumango-tango naman ako habang nakayuko pa rin. Ayaw ko pa ring makita ang mukha niya. 'Di ako sure kong masaya ba siya o disappointed. Sa wari ko nama'y mas lamang 'yung huli. "Ba't nasa sa 'yo 'yan, Hershly?"
Mas lalo akong kinabahan sa huli niyang tanong. Ewan ko ba, ba't pa niya tinatanong, e', halata naman na hindi ko lang maatim na mahawakan ang ID niya. Hindi naman sa nandidiri ako, when in fact ay isa nang biyaya ang magkaroon ng tyansa na mahawakan ko ang ID niya.
Ayaw ko lang naman na mahuli ako ni Ytang. Magtataka 'yun.
"Bingi lang? Repetitive words, ganoon?" sarkastikong sabi ni Hershly sa kuya niya. Kung normal lang siguro ang araw na 'to ay baka matawa pa ako sa pinagsasabi nila. Pero hindi... Mas lamang pa rin ang kaba sa dibdib ko. Hershly made a heavy sigh. "I repeat, nakita ni Frency ang ID mo roon malapit sa fountain."
Ngayon ay gusto ko nang matawa sa pinagsasabi ni Hershly. Puro gawa-gawa lang ang mga sinasabi niya! 'Di ko alam kung sinasadya niya bang iligtas ako o talagang pinapangunahan na rin siya ng kaba kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi niya.
"Okay, then," sagot galing kay Spencer. 'Di ko naman maiwasang 'di malungkot sa tono ng pananalita niya. He sounded so whipped. His words were actually making me uneasy, making me blame myself.
Sana pala ay tinago ko na lang ang ID niya. Bahala na kung mahuli man ako ni Ytang.
All I wanted right now was to hear Spencer's cheerful voice. At isa pa, ilang araw na siyang walang pakiramdam sa 'kin. I knew I didn't have the right to demand anything, but I just couldn't help but to pray and hope that one day, he would notice me.
At ngayon naman, nililito niya rin ako. Akala ko ay ayaw niya sa 'kin kaya ilang araw siyang walang pakiramdam. 'Tapos sa isang iglap ay ipapahawak niya sa 'kin ang ID niya!
Big deal 'to sa 'kin kasi big deal siya sa 'kin! Ang mga bagay na may kinalaman sa kaniya ay big deal sa 'kin!
"Start na ng demonstration," sabi muli ni Spencer. Kung kanina ay malungkot ang boses niya, ngayon naman ay 'di na 'ko makarinig ng kung anumang emosyon. Masyado naman 'ata 'tong unfair, pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan kaya siya naging ganiyan. "Bye, Frens." Then, he walked off.
Kaagad akong naiwang mag-isa kasi nagpaalam na rin sina Hershly at Vaughn. Hershly looked shocked. It's obvious that she already wanted to ask me a lot of questions. Kaya ay kailangan ko na ring ihanda ang sarili kasi tiyak na tatanungin niya 'ko the next day.
Umingay ang paligid, kaya napagtanto ko na nagsisimula na ang event. Pero dahil nga sa mahiwaga kong height, kahit tumingkayad pa ko nang tumingkayad ay wala pa ring mangyayari. Napanguso ako nang mapagod ako kakatalon.
Papaano ba naman kasi, ang tatangkad ng mga taong nasa paligid ko ngayon!
Binalikan ko si Ytang sa dati niyang puwesto. Nagsimula akong kabahan noong 'di ko na siya matanaw, mabuti na lang at siya na mismo ang tumawag sa pangalan ko.
Sa huli, kaagad siyang nawalan ng gana. Sumang-ayon na rin naman ako sa kaniya. Kahit magmakaawa pa kami roon, walang magbibigay sa 'min ng seat. Malabo namang makita namin ang nangyayari sa stage dahil nga sa katangkaran na taglay naming dalawa.
Me and Ytang ended up eating barbeques. Parang defense na rin namin 'to para hindi kami mamatay sa sobrang lungkot. Hot sauce was making my tensed muscles relax. Ganoon din naman si Ytang. Hindi na rin siya masyadong naaapektuhan sa nangyari kanina.
Makapasok lang sa University na 'yun ay sapat na para sa 'min. At least... even for a bit, we felt glad and blessed.
However, an specific thought still kept bothering me. Spencer looked disappointed. At first, he was happily making his way towards me, but when he realized what I had done, his unhappy voice became the reflection of his soul. Sa boses niya, batid kong nasaktan siya.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.