41

30 3 0
                                    

Tumahimik na lang ako at tumango nang tipid. Ngumiti naman siya. 'Yung ngiting punong-puno ng satisfaction. Na tila ba ilang oras niyang tinanong ang sarili kung paprangkahin ba niya ako o 'wag na lang.

Hindi naman ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagtatampo siguro, oo. 'Di ko rin naman siya masisisi. Kahit saang anggulo ay may karapatan naman siyang pagsabihan ako ng ganoon.

I respected her statement. I knew that it wasn't her intention to hurt me. It's just that... she had not any choice but to say those painful words. Kung ako rin naman kasi ang nasa posisyon niya, ganoon din ang gagawin ko. I would always choose what's the best for my family.

Alam ko... Mabigat talaga sa loob niya ang prangkahin ako, even so I did really understand her.

"Iiwas a-ako," I announced in a shaky voice. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at pinaglaruan ang mga daliri kong palihim na nanginginig. Nang wala naman akong marinig na salita mula sa kaniya ay tumayo ako nang tuwid. Dama ko rin na parang lumalabo na rin ang paningin ko.

Gusto kong matawa sa sitwasyon ko ngayon. Sari-sari ba naman ang bumabalot sa 'kin. I felt dizzy still. My voice cracked due to the tension I never expected. At ang mas malubha pa sa lahat, hindi na rin ako makapagsalita pa. Everytime I tried to speak, no words came.

Sa tuwing inaawang ko ang mga labi ko, mas lalong umiinit ang lalamunan ko.

Hershly just nodded her head when I bowed down my head for respect.. or let's just say for proper goodbye. Kung gaano ako kadali nakapasok sa mansyon nila, ganoon din ako kabilis nakaalis papalayo.

I was silent the whole time. I was just waiting for something that I couldn't ever determine. Nakakatawa.

Humiga ako sa upuan at napatingin sa ceiling ng aming bahay. Walang kurap-kurap ko 'tong tinitigan na tila ba roon ako kukuha ng lakas ng loob para manatiling gising.

Wala sina papa at mama ngayon. Sila ay parehong nasa trabaho. Mas okay na rin naman na 'to, kasi at least, walang makakakita sa 'kin. 'Di ko na kailangang magtago at umiyak doon sa tabi.

"What's the square root of 100?" I asked myself like a mad woman. Ako rin naman ang natawa sa aking sariling nasabi. "Siyempre, 10."

Dumating sa punto na namumungay na ang mga mata ko, kaya bago pa sila tuluyang makapikit ay tumayo ako at inayos ang sarili.

I faced the plain mirror and I saw my crying version. The one I never knew existed. No... I was wrong. This version was once existed in my inner self years ago. 'Yung mga panahon na pinapili ako ni mama at papa. That moment was really worth remembering. What an irony. That moment was indeed a limestone.

'Yung sakit na naramdaman ko noon, tila bumalik. Pero ang pinagkaiba nga lang, ngayon ay 'yung mas masakit, mas makirot.

Inayos ko 'yung mga buhok kong nabasa dahil sa mga luha ko. Siguradong matatawa ang kung sinumang makakakita sa mukha ko ngayon.

"What's the square r-root of 64?" I again asked myself, my voice shaking, seemed like my strength was being smitten by my own emotions. "8."

Sinampal ko ang sarili at tinabingi ang sariling ulo. Wala pa ring pinagbabago. Magulo pa rin ang aking buhok. Ang mga mata ko rin ay mamula-mula at parang naging tirahan nang eyebags.

"Grabe. Ang ganda ko talaga," I praised myself for self-support. "Kaya ba't ka iyak n-nang i-iyak r-riyan?"

Tinakbo ko ang distansya patungo sa pinto ng bahay namin nang makalabas ako't makasinghap ng sariwang hangin na kasalukuyang kong kailangan.

Naglakad ako papunta sa mansyon nina lola. Wala na akong pake kung makita nila akong parang multo. Basta't ang mahalaga ay maramdaman kong may nakapaligid sa 'kin. 'Yung pakiramdam na may mga taong nasa tabi mo.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon