Kaagad akong napailing sa kawalan ng maisasagot. Tinaasan niya lang ako ng kilay sa naging tugon ko, habang ako nama'y mas lalong nalito. Pagkaraa'y napansin ko si papa at auntie na papalapit na. Mukhang napaaga ang pag-uwi nilang dalawa.
"I am off now, then," sabi ni Spencer, kaya kaagad din akong napatingin sa kaniya saka binigyan siya ng malambing na tingin. Natanguan kaming dalawa, at tuluyan na ngang nakalapit sina auntie at papa.
Napansin nilang dalawa si Spencer kanina, pero masaya ako kasi hindi na nila ako tinanong pa tungkol sa lalaki na 'yun.
"'Pa, kumusta ang trabaho?" tanong ko kay papa na kasalukuyang nagpupunas ng pawis. "Pasok na po tayo." Kinuha ko ang plastic bag na dala-dala niya saka yinaya silang dalawa na pumasok na sa loob ng bahay.
Pareho silang tahimik, halatang pagod na pagod na. Automatic naman akong napahakbang paatras para mabigyan sila ng tubig. Tinanggap din naman nila 'to habang hinihingal nang kaunti.
"Ano ang balita, 'nak?" tanong ni papa at tinuro ang isang towel na nakasampay sa maliit naming aparador. Walang kibo ko 'tong kinuha saka nakangiting binigay sa kaniya. Binigyan ko na rin si auntie ng isang malinis na towel. "Ano'ng balita tungkol sa ate mo?"
Kung noon, kapag binabanggit niya ang pangalan ni ate ay nakangiti 'to at puno ng pagmamahal ang boses, ngayon naman ay hindi na. Nahahaluan na ng sakit ang boses niya.
Siguro ay dahil sa nalaman niya ang trato ni Isbelle sa 'kin. 'Di ko naman maiwasan na 'di malungkot, kasi feeling ko ako ang dahilan kaya may kaunting pagtatampo na si papa para kay ate. Kahit kailan, kahit galit pa 'ko kay Isbelle, 'di ko naman hiniling na lumabo ang relasyon nila dahil lang sa 'kin.
Sa side naman ni papa, kapag malalaman kong sinasaktan ang anak ko, siyempre magagalit din ako. Kaya ngayon... Feeling ko mas lalo pang nagiging komplikado ang lahat.
"'Pa, Kalimutan na lang natin ang bagay na 'yan," malambing kong pakiusap sa kaniya. "Mas mabuti ho siguro kong iwasan nalang natin na pag-usapan ang tungkol sa 'min ni Isbelle para 'di na lumalala ang sitwasyon."
"Frens," sa mababang tono na tawag sa 'kin ni auntie, tuloy ay napabaling din ako sa kaniya, "'wag ka sanang magagalit pero hindi mo naman masisisi ang papa mo kung magagalit siya sa mama at ate mo."
Napakagat ako sa sarili kong labi at marahang tumango, handang pakinggan ang susunod niyang sasabihin. Feeling ko pa nga napakarami pa niyang gusto na sabihin, sadyang pinipigilan niya lang ang sarili para siguro 'di ako masaktan.
"Ako nga na 'di ka nakadugo ay nasaktan nang malaman na masama pala ang trato ng ate mo sa 'yo ay sumama na ang loob ko..." Bumuntong-hininga siya saka muling nagpatuloy. "Puwes, doblehin mo ang sakit na nararamdaman ng papa mo. Walang magulang na ngingiti kapag nalaman nilang nasasaktan ang anak nila."
"Opo," kaagad kong tugon. Napatitig naman ako kay papa ng ilang segundo, naghihintay kung may sasabihin din ba siya. Pero nang problemado lang 'tong napasapo sa sariling noo ay nanlumo ako kaagad. "Gustom na po ba kayo?" nagbabakasakaling tanong ko.
"Sapat na ang tubig, Frens," mahinahong tugon ni auntie habang sinsero ring nakangiti. "Ikaw rin. Magpahinga ka na lang din muna. Gigisingin kita 'pag hapunan na."
Napatango ako sa huli niyang sinabi. Tumayo na 'ko at nagpaalam sa kanila. Pumasok na ako sa masikip kong kuwarto at kaagad hinanap ang basket na punong-puno ng mga labahan.
Ano ba 'to? Sabi ko sa sarili ko noon, 'di ko basta-basta nalang itatambak ang mga labahan sa loob ng isang linggo! Noong una, plano ko talagang matulog na muna at sundin si auntie, pero ngayong tanaw-tanaw ko na naman ang punong-puno kong basket ay wala akong ibang nagawa kundi labhan na ang mga 'to.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.