Ngumiti akong muli at napatingin sa labas. Gusto ko pa sanang makausap si Spencer nang mas matagal pero nasa labas na ang sasakyan ni lola. Malungkot akong nagpaalam sa kaniya at lumabas nang bahay.
Naka-wheelchair pa rin si lola, pero halata na mayroon nang improvement sa kalagayan niya.
Napabaling ako kay Isbelle nang lumapit siya sa 'kin at marahang hinila ang kanan kong braso. Kumunot ang noo ko sa inakto niya saka siya tinanong kung ano'ng problema.
"Busy ka ba mamayang gabi?" she asked me. "Kung 'di ka busy ay maaari kang sumama sa 'kin."
My brows tugged up in excitement. Hindi ko tuloy maiwasan na 'di masabik.
Bihira lang kasi ako kung makapunta sa ibang lugar dito sa Spain. At s'yempre, gusto ko ring makaranas na makaharap ang maraming tao. I wanted to explore for more. 'Tapos ngayon, parang dininig nang Diyos ang panalangin ko."Wala naman akong ibang gagawin mamaya, bakit?" tanong ko sa kaniya at nagpigil ng ngiti.
May hula na 'ko na baka tungkol 'to sa kompanya nila ni mama. Gustong-gusto ko na talagang gumala. Never naman akong pinagbawalan nina mama at lola na mamasyal, sadyang may naramdaman lang akong kaunting kaba noon kaya palagi lang akong nasa loob ng mansyon.
"We have our Suarez Gala mamayang gabi," she explained and handed me a clean paper. Sa disenyo na mayroon ito ay parang isa 'tong invitation. "I am invited, actually. But I told the staffs to make an another invitation letter for you. Gusto ko lang naman na maranasan mo 'yung nararanasan ko." Nginitian niya 'ko.
Suarez was my ate and mama's new surname. Galing 'yan sa apelyedo ng bagong asawa ni mama na kakamatay pa lang. Noong nasa Pilipinas pa lang ako, I thought that Tito Suarez was still alive. Doon ko lang nalaman ang totoo nang nandito na ako sa Spain. I was not blaming anyone, though. Sadyang mali lang talaga ako ng naging hinala noon.
Hindi ko pa nga lang naitatanong kay mama kung may balak ba siyang magpalit ng apelyedo. I had not any idea whether that action is illegal or not. Sa tingin ko'y minahal talaga ni mama si Tito Suarez kaya 'di niya na magawang magpalit ng apelyedo.
Wala namang problema sa 'kin. I didn't want to pressure myself for another problem again, that's why as long as I could, I would stay away from stress.
"Don't worry sa susuotin mo. I am now with my personal designer. Her name is Charisse. She can help you choose the best gown that will suit you." Matapos niya 'yung sabihin ay lumabas ang isang babae na sa tingin ko ay nasa middle thirties pa lamang.
I loved to choose my gown personally, without the help of others. Pero ayaw ko namang bastedin si ate, 'no. I had known her personality. If you reject her even once, she will surely not talk to you for a long period of time.
Wala na naman akong nakasama noong tapos na kaming mag-lunch. Si lola kasi ay nasa sarili niya nang kuwarto, nagpapahinga. Bawal siyang disturbuhin dahil 'yun ang utos ng kaniyang personal doctor.
Isang oras akong naging tambay sa social media. At sa isang oras na 'yun, Spencer wasn't online. Alam kong busy siya sa studies niya. Nag-usap lang din kami ng mga kaibigan ko through video call.
Tunog ng heels ang nagpatayo sa 'kin. Nginitian ko si Charisse, at may kasama pala siyang tatlong assistants. May karga-karga silang manikin na suot-suot ang tatlong gown na napakaganda.
"Son demasiado largos para mí," (Masyado silang mahaba para sa 'kin,) ang naging komento ko habang pinagmamasdan ang sariling katawan. "Tal vez sea incluso más corto que eso, hermana." (Baka ay mas maiksi pa sa mga 'yan, ate.)
"No te preocupes, querida, ya calculo tu altura. Son suficientes para ti, todo lo que necesitas hacer es elegir cuál te gusta más."
(Don't worry, dear, I already estimate your height. Sapat lang sila sa 'yo, all you need to do is to pick out which one you like the most.)

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Fiksi Remaja"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.