31

38 5 1
                                    

I immediately grabbed Ytang's arms and took her out of the crowd. Her forehead clenched even more when I was saying nothing. Habang ako, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Damang-dama ko ang bigat sa sariling puso. Mixed emotions kept engulfing my insides.

Naaawa ako sa kaibigan ko. Kung nakita niya si Spencer kanina na kasama na naman 'yung babae na nakita namin kagabi, tiyak kong malulungkot na naman siya. I didn't know but I preferred to hide that scene. 'Yung eksena na nagpapasakit ng puso ko—such kind of an eyesore.

"Saan na tayo nito ngayon?" natatawang tanong ni Ytang, her voice so cheerful. "Punta tayo sa Complex! Malapit lang doon ang University kung saan nag-aaral si Spencer."

I started to hate hearing his name. Though, I knew, Spencer was clueless— he didn't know that he was hurting me. Pero 'di ko lang mapigilan. Maybe... Parang sanay na rin naman siya na maraming nagkakagusto sa kaniya. Just seeing his world, it's obvious that noticing someone was on the least of his concern.

"Hoy, Prensang!" pukaw ni Ytang sa 'kin. Nawala ang mga ngiti sa labi niya nang makita ang pagiging seryoso sa mukha ko. "Ano nang dumadaan sa train of thoughts mo?"

"Sana'y college student na lang ako," bulong ko sa hangin. "Sana sa isang iglap ay college student na 'ko..." Unexpected words came out of my mouth. Ytang seemed shocked at my words. But I knew that we both shared the same shoes; Alam kong pareho lang kami ng hinihiling.

"Sana nga," komento niya at parang natulala sa ere. "Ano...? Punta kaya tayo sa Complex? Balita ko may Piano Competition daw sa UM!" Kaagad niya akong sinabunutan. That act of hers never offended me. Sanay na ako na kapag kikiligin siya, ako ang unang mapagtitripan. "Tara na!"

Tumango ako at naglakad. Habang naglalakad, she told me some stories. Puro mga tsismis. Natatawa na lang akong nakinig. Habang kausap siya, napag-alaman kong open ang UM ngayon para sa mga outsider like me. Hindi pa nga kami nakakalapit sa gate ay marami nang nakaparadang mga sasakyan.

Si Ytang naman sa tabi ko, kinilig nang sobra! And I felt excited, too. Hindi alam ni Ytang kung kasali ba si Spencer sa Piano Competition ng University, pero matindi ang hinala ko na kasali siya pati si Vaughn.

Nang makapasok kami sa University, shems, ang lawak! We saw an arch-shaped fountains and two circular pathways. Halos tumulo na ang laway ko kakatingin sa buong lugar. Well, nasa entrance pa lang kami. Hindi pa namin nakikita ang literal na kabuuan ng University!

Halos college students ang nakakasalubong namin They looked so intimidating because of their university uniform. Just seeing how they walked, it was obvious that they were all smart.

"Tangina," bulong ni Ytang. Kagaya ko, literal din siyang nanginginig! Tinawanan na lang namin ang isa't isa. "Prens, tingnan mo sila." May tinuro siya sa kabilang banda.

I followed her finger and then I saw some students wearing an all-white uniform. They were also wearing red-colored ID's. Most of them were tightly holding a thick book as if their life would depend on it. Habang nakatingin sa mga 'yun, namungay ang mga mata ko.

They looked passionate and studios. Ang akala kong magulong college life ay hindi natupad. Hindi kagaya sa High School na malilikot na estudyante ang makikita mo na para bang kakalaya pa lang nila sa mental hospital. Ibahin mo ang mga college students na kaharap ko ngayon. They made me feel motivated even more.

"Alis na lang kaya tayo?" muling bulong ni Ytang sa 'kin. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Hanggang ngayon, nasa iisang posisyon pa rin kami.

"Hmm, Elementary students?" someone approached us. It was a woman wearing a tight all-white uniform. Her hair was braided in a bun. "By the way, My name is Pearl, an archi student, second year. How can I help you?"

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon