Isang tango lang ang sinukli niya at tinalikuran na 'ko. Kahit na hindi ko naman siya kaharap ay nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin ng makeup kit ko. Kahit na medyo nadi-distract sa presinsiya niya ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.
Pagkaraa'y natigilan ako sa sariling kinauupuan nang marinig na siyang tumugtog. Nilingon ko siya sandali at nang makita na naka-focus 'to sa pagpa-piano ay napariin ang hawak ko sa isang eyeliner. Sa pagkakatanda ko, ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang mag-play ng piano. At inaamin kong nakakamangha siya.
"Siguro ay magaling ang mentor niya kaya ganiyan," sabi ko, medyo naging bulong na, natatakot na marinig niya ang sinabi ko kahit na malabo namang mangyari 'yun kasi ilang metro ang layo namin sa isa't isa. "Para siyang classic pianist. Parang wala na akong hihilingin pa kundi marinig siyang tumugtog." Hinarap ko ang salamin.
Napatingin ako sa sariling kilay at hinimas 'to nang marahan. Ngayon na sakop ng kakaibang tunog ang buong paligid, pakiramdam ko ay dapat lang 'tong pakinggan.
"Frency!" rinig kong isang sigaw. Kinalimutan ko na lang 'to dahil siguradong nagha-hallucinate na naman ako ng mga bagay-bagay. "Let's play! Can you sing?" dinig ko na naman.
Para 'di mapahiya ay nilingon ko ang banda ni Spencer, at nang mapansin na sa kaniya pala galing ang boses na 'yun -- siya pala ang tumatawag sa 'kin -- natutop ko ang sariling bibig.
"Hindi ako kumakanta!" sigaw ko kaagad at marahas na nag-iwas ng tingin. Alam kong masyado nang bayolente ang ganoong kilos kasi kinakausap pa niya ako pero wala na talaga akong pakealam pa. "Ikaw na lang ang kumanta! Makikinig lang ako!"
Matapos noon ay 'di na niya 'ko kinulit pa. Pero kung gaano nga kamangha-mangha ay may parte sa 'kin na may gusto na tawagin niya ulit ako.
Mukhang malabo na 'atang mangyari 'yun, kasi sa segundo na 'to, talagang nasa ibang mundo na siya, isang mundo na mas lalong 'di ko maabot. Mundo na alam kong minsan ko nang inasam pero hindi puwede. Mundo na alam kong bawal sa 'kin.
"Isang tawag mo lang sa 'kin, Spencer, haharapin ko ang mundo na 'yan," naiinis kong bulong sa hangin. Napabuntong-hininga ako nang lumipas ang ilang segundo na 'di nakikisama ang mundo sa 'kin, na para bang ang tadhana na talaga ang nagsasabi na kailangan ko nang makalimot. "Masyado ka nang emotira, Frency. 'Wag mong tularan sina Ytang at Lowelyn."
Mapait na naman akong napangiti. Ang piano na 'yan... Kung ano pa ang bagay na gustong-gusto ko na kalimutan, ang bagay na palagi ko naman na nakikita. Tinitigan ko ang sariling makeup kit.
"Apo, puwede mo ba 'kong ayusan?" boses ni Lola. Inangatan ko siya ng tingin at napilitang ngumiti kasi ayaw kong makita niya na nasasaktan ako. "He's here again. He is really good in playing piano, isn't he?"
"Opo, 'la." Umayos na naman ako ng upo at inalalayan siyang umupo sa harap ko. "Napaka-gifted niyang tao."
"Ikaw rin naman," kaagad niyang dugtong, isang ngiti ang nakaukit sa mga labi. "You will bloom someday, and when that time comes, you will realize how beautiful you are."
"Hala, lola, nakaka-inspire po ang quote na 'yan!" nareak ko kaagad. Dahil sa sinabi niya sa 'kin ay nabuhayan ako ng loob. Dahil sa ngiti niya ay gumaan ang dibdib ko.
"Kumain ka na ba?" tanong niya at hinaplos ang buhok ko. "Kung 'di pa, sabay na kayo ni Spencer."
"Patay," nakayuko kong ani sa hangin. Nang medyo mahimasmasan ay nag-angat na 'ko ng tingin, para lamang makita si lola na nakangiti nang wagas. "Tapos na po ako. Busog na po ako."
Totoo 'yun. Noong wala pa sina Lowelyn, Ytang at Joyce ay kumain na 'ko. Kanina lang kasi umatake ang gutom ko.
"Invite him, apo," sabi niya.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Novela Juvenil"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.