Hours after that encounter, I beckoned him to just leave since he had a lot of things to do. S'yempre, ang tigas-tigas pa ng ulo nang una, pero 'di nagtagal ay napapayag ko rin siya. 'Yun nga lang, I needed to be ready for he was coming soon again. Sabi niya sa ayaw at sa gusto ko ay babalik siya.
Bilang isang tao na nasa kapangyarihan ng lagnat, panay lang ang tango ko sa kaniya. Kaya 'di na 'ko nakapagsalita ng kung anong palusot.
Gayunpaman, 'di ko rin naman maitanggi na nagustuhan ko ang mga pangako niya sa 'king aalagaan niya ako. Sa tingin ko ay wala na akong lagnat. Parang ang init sa katawan ko ay pambihirang naglaho na parang bula.
Hindi rin pala ako matiis ni Isbelle. Kasi kahit na nasa Pilipinas sana siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya, ay pinili niya pa ring bumalik.
"Ba't 'di mo sinabi sa 'kin na may lagnat ka pala ngayon?" istrikta niyang tanong sa 'kin.
Hindi ko sinabi sa kaniya dahil magmumukha naman akong immature kung pati simpleng lagnat ay iuulat ko pa sa kaniya. At isa pa, kahit nasabihan ko man siya o wala, babalik pa rin naman siya rito. No point na talaga. At sure rin kasi ako na mag-ooverreact na naman ang babae na 'to at ipapaalam pa kina lola, mama, papa at auntie ang kalagayan ko.
Ayaw kong maging big deal sa kanila ang sakit kong 'to. 'Yung issue na nalaman nila tungkol sa 'kin ay nagpa-stress din sa kanila. Ayaw ko nang dagdagan pa ang problema nila.
"Ate," matiwasay kong sabi at nagsuklay ng buhok, "okay na ako ngayon. 'Yan ang mas mahalaga. Look at me. I look okay, physically. Tumahan na rin ang sakit ng ulo ko. And so I am fine mentally."
Tunay nga. Nang dahil sa pagkikita namin ni Spencer kanina, bumuti ang pakiramdam ko. Nakaranas na ako na lagnatin, lalo na noong kakasimula ko pa lang sa modelling. At sa pagkakatanda ko, ito ang unang beses na madali akong naka-recover. Parang flash na nawala ang kirot sa katawan ko.
"Can I ask why Spencer was here?" she asked, her brow tugging up.
Hindi ko pinakita ang kaunting pagkagulat ko sa narinig mula sa kaniya. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong sinabi sa kaniya! Kaya nga ay ang saya-saya ko ngayon, kasi kahit papaano ay 'di nagkita sina ate at Spencer. Kasi eksaktong pag-alis ni Spencer ang pagdating ni ate. Pilit kong inisip kung saan siya kumuha ng impormasyon.
Malabong kay Ytang... Kasi first and foremost, she wasn't here. Kahit nga hanggang ngayon ay wala pa rin ang babae na 'yun. Maaari namang kumuha siya ng impormasyon sa mga bodyguards.
I shook my head in disapproval.
I knew Isbelle well. I never saw her asking our guards. At isa pa, napagmasdan ko ang paglalakad niya mula sa gate patungo sa main door. At wala akong napansin na nagtanong siya.
"Spencer chatted me, sis," she laughed at my reaction. Naningkit ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya, natuliro. "Napaka-gentleman din pala ng lalaki mo, 'no? He investigated and found out that I was not with you. Kaya bilang respeto, nagpaalam pa siya. You know what..." Pinisil niya muna ang pisngi ko. "... his attitude is the mixture of gentleness and maturity. Ikaw, kailan ka mag-ma-mature?"
"Maturity comes naturally," pagtatanggol ko sa sarili. Kahit na ang totoo, iba ang lumalangoy sa utak ko. Kung alam mo lang Isbelle. Kahit noon pa, Spencer already had the attitude of being gentle and mature. The only difference was that mas nahubog ang ugali niyang 'yun. Tuloy ay napapangiti ako nang kusa.
"Maturity comes if you are willing, Frency," she fought back. "It won't come if in the first place you are not trying to be mature."
"So ano'ng gusto mong sabihin?" nakanguso kong tanong. Alam ko na may gusto siyang sabihin. Ang nakakainis nga lang ay ang hilig-hilig niya sa mga indirect message. Batid ko na may gusto siyang sabihin, talagang gusto niya lang akong guluhin.
![](https://img.wattpad.com/cover/255632091-288-k486952.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Fiksi Remaja"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.