"Ano'ng problema, Spencer?" nag-aalala kong tanong, sumusunod sa likod niya, at siya naman ay paminsan-minsan na nililingon ako.
Pero hanggang doon lang ang ginawa niya, 'di pa rin niya 'ko pinapansin. Tumahimik na lang din ako nang mapansin na wala na talagang pag-asa. Basta ay sunod ako nang sunod sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo?" sa wakas ay tanong niya sa 'kin, nakataas ang kanan na kilay. "Ba't ka sumusunod sa 'kin?"
"Akala ko kasi..." pagdadahilan ko, "akala ko gusto mo 'kong sundan kita kanina." Bumuntong-hininga ako nang napakalalim. "'Di ka kasi nagsasalita. 'Tapos sinabi mo sa 'kin na ako na lang muna ang mag-aalaga sa tuta na 'yan, 'tapos bigla mo namang binawi. Ano 'yun?" Inosente ko siyang binigyan ng alanganing ngiti.
"Let's destroy this personal bubble," mahina niyang tugon sa 'kin. Mas lalo akong nalito kasi wala namang connect 'yung speech ko kanina sa sagot niya ngayon. 'Tapos 'bat parang may bumabagabag sa kaniya? Sinabi ko naman kanina na willing akong alagaan ang puppy niya... Akala ko okay na ang usapan na 'yun.
Kaya nga ako pumayag na sumama patungo sa bahay nila, 'di ba? Ano naman ang mali roon? What if humindi ako? For sure magagalit din siya. Nakakatuliro tuloy.
"Ano 'yung personal bubble na sinabi mo kanina?" muli kong tanong. Kailangan ko pang mag-half run kasi ang layo-layo niya na sa 'kin. Kung may makakakita sa sitwasyon ko ngayon ay baka mapagkamalan nila akong ligaw na aso. "At akala ko ba nag-aaral ka na? Ba't ka aalis?"
"Here." Binigay niya sa 'kin muli ang tuta. Napatingala ako kaagad sa kaniya at hinintay siyang magsalita. Sa sobrang dami ng iniisip ko kanina, 'di ko masyadong napagtuunan ng pansin ang mga sinabi niya. Parang mabibiyak na ang ulo ko sa daming mga tanong na nasa isipan ko.
Kung saan-saan na dumapo ang isipan ko nang may namataan akong mga tao na makakasalubong namin. Malayo pa naman sila. Sa tingin ko ay mas matanda sila sa 'kin ng kaunting taon. "Pst!" kaagad kong tawag kay Spencer, mabuti at lumingon naman siya sa 'kin. Naguguluhan niya 'kong binigyan ng tango.
Ewan ko ba, masyadong nakakahiya kung may makakasalamuha ako ngayon. Feeling ko hindi maganda ang magiging reaksyon ng mga 'yun. Ayaw kong maging judgemental, pero mas mabuti na 'tong nag-iingat. Si Spencer naman.. mukha siyang maharot. At kapag makakakita siya ng chicks, edi paano na 'ko?
Hindi ako makakapayag na umuwi nang mag-isa. Siya ang nagpasama sa 'kin dito, kaya siyempre responsibilidad niyang ibalik ako sa 'min.
Hinila ko na lang ang lalaki sa isang daan kung saan ako lang ang naka-diskubre. Mas safe na rito kasi madadaanan kami ng mga tao na 'yun nang 'di kami nakikita.
"Ano 'to?" iritableng bulong ni Spencer. Napatingin ako sa kaniya at nakita siyang inaalis ang mga bahay-alalawa sa buhok niya. Natawa tuloy ako sa nakikita ko kaya kinailangan ko pang tumalon para matulungan siya. Mas lalo siyang nairitable sa ginawa ko, na halos yakapin niya na ang sarili.
Ewan ko kung talagang nagulat lang siya sa biglaan kong pagtulong o sadyang OA lang talaga siya.
"Aalis na 'ko," walang kangiti-ngiti niyang sabi at lumabas na sa pinagtataguan namin. Okay na rin naman na kasi nakalayo na ang mga kabataan na 'yun kanina pa lang. Safe na ako.
Inayos ko ang pagkakayakap sa tuta. Sa ka-cute- an nito ay nahalikan ko 'to nang todo-todo.
"Vaughn is coming," usal ni Spencer.
Siyempre ay kilala ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Paaano ko ba makakalimutan ang pangalan ng tao na kinalaban ang ate ko para sa 'kin? Ang 'di ko lang gets, ay kung papaano siya nasali sa usapan. Well, magkapatid silang dalawa, pero bakit nga kasi nasali ang lalaki na 'yun sa picture?

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.