25

35 5 6
                                    

Kaagad kong tinago ang phone ko nang may nag-park na bisekleta sa harapan ko. Nakita ko si Ninong, at mukhang sira na naman ang bisekleta niya kasi panay ang kamot niya sa tenga niya. Nagmano na lang ako saka tinawag sina papa at auntie, kinalauna'y lumabas na rin si auntie para batiin ang bisita.

"Oy, taba," magandang bungad ni auntie, "sira na naman? Baka masyadong ka nang mabigat! Kung motor na lang kaya ang bilhin mo? May kakilala akong nagbebenta ng second hand na motor! Mura lang 'yun!"

"Sinadya ko talaga na bike ang gamitin araw-araw dahil gusto kong magpapayat," may halong biro at pagkaseryoso ang boses ni Ninong. Bumaling naman siya saglit sa 'kin gamit ang knowing na tingin. "Free ka ha ngayon, Frency?"

"Oo naman po." Tinapik ko ang bulsa ko. Nagtanguan naman sila. Nang lumabas si papa ay may dala na siyang mga kagamitang pang-ayos ng bike. Hindi nga lang nagamit kasi kamay ko lang naman ang kailangan para maayos ang kadena. Kagaya noong una, kumulubot lang ang kadena. Ang kaibahan nga lang ay medyo natagalan ako kasi ang dami ko ring iniisip.

"'Eto, o', pasensiya ka na kung maliit lang 'yan," nagpapaumanhin sa sabi ni Ninong. May lahad siyang pera sa 'kin. Five hundred pesos 'to. "Salamat, a'?"

"Malaki na po 'to." Binigyan ko siya ng ngiti. "Salamat po rito."

"Walang anuman." Muli siyang umangkas sa bike niya, at simple na lang namin siyang kinawayan. Bumalik sa normal ang lahat kaya nasa loob na naman ng bahay sina papa at auntie. Muli akong umupo sa isang upuan at nilabas ang phone.

Muli ko 'tong in-off at pabuntong-hiningang tumayo. At least, nasa maayos nang kalagayan si Spencer ngayon. Kahit nakakainis siya sa chat kanina -- sinabi niya lang na 'di naman malala ang natamo niya -- masaya pa rin ako at ligtas siya. Pero still, nakatamo siya ng minor injuries, so he must rest for him to regain his energy.

Sa totoo lang, gusto ko sana siyang kausapin ngayon, pero 'wag na lang muna dahil mas lalo siyang hindi makakapagpahinga.

Para maibsan ang sariling boredom, pumasok ako sa loob ng bahay at nagpaalam na gagala muna patungo sa kung saan. Tutal ay halos hindi na 'ko makahinga nang maayos kanina habang binabasa ko 'yung iba't ibang comments sa twitter. Nakakaloka ang mga tao na 'yun.

Saan naman kasi nila 'yun nakuha?
Ito talaga ang problema sa social media, may nagkalat na mga taong basta-basta na lang nagpapakalat ng fake news nang 'di man lang iniisip kung ano ang magiging outcome ng mga salita nila. For sure hindi lang kami ng mga kaibigan ko ang nakabasa ng mga comments na 'yun. Wala silang kaalaam-alam na marami ang na-stress.

Sa sandali na 'to, kailangan kong mapag-isa muna. Hindi na 'ko nagtangka pa na tawagan ang mga kaibigan ko para makapag-relax na rin sila... Lalo na si Ytang.

Sure akong gumaan na rin ang pakiramdam niya noong nag-send ako ng message na nagsasabing okay si Spencer at maging si Vaughn. 'Yun nga lang, I lied to her. Sinabi ko lang na galing kay Hershly ang balita na 'yun.

Tumunog ang phone ko, kaya pabuntong-hininga ko 'tong kinuha. "Hello, sino 'to?" Unknown number kasi ang tumatawag. "Wrong number ka po 'ata. Ibaba ko na po ang tawag."

"No--" boses sa kabilang linya.

"Spencer?" kaagad kong tugon. Automatic rin akong napalakad nang mas mabilis, kaya ay 'di ko na rin alam kung saan ang destinasyon ko. "Ano'ng pakay mo?"

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon