Muli akong pumasok sa loob ng bahay namin matapos kong makapag-isip-isip. Walang mangyayari kung patuloy ko lang panonoorin ang pagdaan ng mga sasakyan sa harapan ko. Sa sala naman, nakaupo pa rin si auntie. Habang tanaw-tanaw naman siya, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Gayunpaman, 'di ko pa rin alam kung sino ba ang dapat kong kaawaan sa pagitan nilang dalawa ni mama.
"Okay ka lang?" concern niyang tanong nang masyado 'atang tumagal ang pagkakatulala ko sa harapan niya. "Ano'ng ginawa mo sa labas?"
"Nagpahangin po," sagot ko sa mahinang boses, sapat na para marinig naming dalawa. Wala pa rin si papa, nasa kusina pa rin 'to. At ngayon naman... Baka ay malalim na rin ang iniisip niya dahil sa tanong ko sa kaniya kanina.
Ayaw kong i-pressure si papa, kaya para makabawi sa pagiging matanong ko kanina ay tatahimik na lang muna ako at 'di na siya kukulitin. Siguro ay may tamang oras para marinig ko ang mga sagot sa tanong ko. Baka tama si papa, na baka masyado pa akong bata.
"Okay ka lang ba talaga? Mukhang malalim ang iniisip mo?" muling pansin sa 'kin ni auntie, kaya automatic akong napangiti. Kahit na hanggang ngayon ay medyo mabigat pa rin ang dibdib ko, dapat pa rin akong makontento kasi may mga tao na nandiyan para pagaanin ang loob ko. May tamang panahon, 'yan ang tinatak ko sa isip ko.
"Salamat sa lahat, auntie," ang naibigkas ko, at emosyonal siyang napangiti at napahawak sa sariling dibdib sa pagkabigla. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang beses na nag-confess ako mismo sa harapan niya. Tuwing mother's day at Valentine's day kasi ay pinapadaan ko sa simpleng card ang lahat kasi nahihiya ako.
Ngayon naman.. Masyado na 'ata akong nadala ng emosyon at napaamin ako. Though hindi ko naman siya pinagsisisihan, when in fact ay masaya ako sa nakikitang ekspresyon mula sa kaniya. "You are welcome, Frency," sabi niya at muling ngumiti.
Nagngitian kaming dalawa matapos ang ilang segundong pagtatanguan. Nagpaalam na muna ako na pupunta muna sa kuwarto, pero akma na sana akong hahakbang nang muli siyang magsalita.
"Frency," bulong niya. Nasa sahig ang mga mata nito. Pero kung mapapansin, parang may bumabagabag sa kalooban niya, parang panay na ang pigil sa sarili. "Hindi mo dapat pinapapili ang papa mo."
At doon nga umawang ang labi ko sa gulat, ang pagiging guilty at makikita sa mukha ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung itugon, kasi sa tuwing naghahanap ako ng maisasalita ay pinapangunahan ako ng kaba at lungkot.
Hindi ko alam na narinig pala ni auntie ang pinag-usapan namin ni papa kanina, at mukhang lahat ng tinanong ko ay napakinggan niya na rin. Sinisisisi ko na tuloy ang sarili ngayon, kasi kung 'di ako naging mausisa kanina, baka walang nasasaktan ngayon.
Kahit 'di umamin si auntie sa 'kin, alam at nararamdaman ko ang sakit na nasa dibdib niya.
Sino ba naman kasi ang 'di masasaktan 'pag makarinig ng ganoong tanong? Sa tanong ko kasi kanina, parang pinalabas kong wala talagang nararamdaman si papa para kay auntie. Kaya ngayon naman, gusto ko nang balikan ang nangyari kanina, at kung maaari ay itatama ko lahat ng mga 'yun.
"Alam mo naman ang relasyon namin ng papa mo," sa mahinang bigkas ni auntie. Nakatitig siya sa 'kin, pero 'di ko naman 'to masuklian ng diretsong tingin. "Pero nakita mo ba akong umangal? Nakita mo ba akong sumuko?" Wala nang kasing ilalambing ang boses nito.
"Auntie.." paiyak kong naiwika. "Sorry po."
"Hindi na 'ko magugulat kung ang mama mo ang pipiliin ni Pedro." Bumuntong-hininga siya at nang kaya ko nang titigan siya ay roon naman siya nag-iwas ng tingin. Pakurap-kurap na ang mga mata nito bilang sign na papaiyak na siya. Samantala, handa na ako para pakinggan ang side niya. Handa na akong pakingan ang side ng babaeng pinakamatapang sa lahat ng nakilala ko. 'Yung babaeng kayang magmahal sa gitna ng pag-aalinlangan.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.