34

32 7 0
                                        

Mayamaya ay automatic akong natawa sa online conversation namin. Kaagad kong pinagsisihan na ako pa ang unang nag-text sa kaniya. Nakanguso akong naglibut-libot ng tingin at napansing pinapalibutan ako ng maraming tao.

Lahat sila ay abala na sa kani-kanilang ginagawa. Muli ko na naman ngang naalala ang mga pinagsasabi ko kanina kay Spencer.

Ano na lang kaya ang iniisip niya ngayon? I shook my head. Baka ay nagbibiro lang din siya kagaya ko. Habit niya ang magbiro, e'.

Inayos ko ang pagtayo ko at bumuga ng isang hininga. Nahagip ng mata ko si Hershly na kasama 'yung mga kaibigan niya. Hindi niya 'ko nakikita kasi nakatalikod siya sa 'kin at 'yung mga kaibigan niya lang ang nakaharap sa 'kin.

Hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin ako. Ano na kaya ang ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon? Gusto ko silang i-text pero 'di pa 'ko ready.

Biglang tumunog ang phone ko, kaya muli akong napatitig sa panibagong mensahe na naka-flash sa screen.

Spencer Rejez:
Nasan ka na?

Kumunot saglit ang noo ko. Akala ko ba nagbibiro lang siya? Pero ano nang gagawin ko ngayon? I mean, mag-rereply ba 'ko? O papabayaan ko na lang? Sana talaga ay 'di ko siya t-in-ex-an kanina! Sana tuloy ay masaya akong nabubuhay ngayon!

No reply?

Napanguso ako at ilalagay na sana ang phone sa bulsa nang sarili ko lang namang kamay ang pumigil sa sarili kong kamay. Napatingin tuloy ang isang bata sa 'kin. Nginitian ko na lang siya at kaagad namang nagpakita ang bungi-bungi niyang mga ngipin.

Hindi ko alam kung ano'ng
i-rereply ko sa 'yo, Spencer.

Sandali kong pinag-isipan kung may mali ba sa message ko. Nang wala naman akong napansin na kakaiba ay nagpatuloy ako sa paghinga.

Masyadong honest

Napangiti ako dahil sa reply niya. Nagpop-up na naman ang isang convo sa screen ko. Account ni Joyce. Sabi niya'y nakikikain sila ngayon. Alam ko na kaagad kung ano ang ibig sabihin nila. Sandali ko siyang n-i-r-eply-an at kaagad bumalik kay Spencer.

Sino ang kasama mo
riyan?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napatingin sa banda nina Hershly. 'Di na 'ko nagulat pa nang makitang nakatingin na silang lahat sa 'kin. Actually ay sina Lowelyn at Ytang lang naman ang kalaban ng grupo nila. Never kasi akong nakisangkot sa away nila. Kaya ay 'di sila galit sa 'kin.

Hindi naman sa 'di ko sila gusto, sadyang wala lang akong pake sa kanila.

me and my soul

Tinawag ako ng grupo ni Hershly, pero iling lang ang sinagot ko sa kanila. Kahit na mabait sila sa 'kin, ayaw ko naman silang maka-bonding. Maliban na lang kay Hershly. She seemed genuinely nice to me. Walang halong kaplastikan.

Nandito si Hershly. Kasama
ang mga friends niya.

Ano'ng ginagawa?

Natawa ako. Bagaman 'di ko siya nakikita ay hula ko'y nakabusangot na siya ngayon. One thing na nalaman ko sa kaniya ay medyo strict siyang kuya. I couldn't blame his strictness though.

Normal lang sa mga kuya ang ganiyang pag-uugali. Naaalala ko pa nga, parating si Spencer ang nakikita kong driver ni Hershly. Madali lang naman makita kasi aside sa pinagtitinginan sila ay 'di rin naman tinted ang sasakyan nila.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon