35

36 5 0
                                    

Mas lalo akong nairita. Sinabi ni Spencer na puwede ko naman nang ibaba ang tawag kasi mukhang may mabigat daw akong pinagdadaanan. For sure ay nang-aasar lang 'yun!

Si Lowelyn naman, 'eto at aliw na aliw pa rin. Sumimangot na lang ako sa kaniya.

"Hindi na talaga ako magtatanong. 'Wag ka nang mag-alala pa!" pag-a-assure niya sa 'kin. Pero 'di ko naman magawang maniwala kasi panay pa rin ang ngisi niya sa 'kin. "Hindi na rin pala ako magtatagal. See you tomorrow!"

Masaya kaming napatango sa isa't isa. Papaano ba 'yan, 'di ko kayang tiisin si Lowelyn. Kahit na palagi niya 'kong inaasar ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Nang may humintong sasakyan sa harap ko ay kaagad akong napatayo. Noong una ay akala ko si Spencer ang makikita ko. Pero hindi pala. Si Hershly lang pala.

"Ano'ng pakay mo?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "May kasama ka ba?" Palihim kong sinulyapan ang sasakyan nila. Gusto kong itanong sa kaniya kung si Spencer ba ang kasama niya pero alam kong matinding kahihiyan 'yun!

"Wala akong ka-bonding sa bahay ngayon. Busy kasi ang mga friends ko kaya mag-isa na lang ako ngayon," sabi niya at nagpa-cute sa harapan ko. "May request sana ako. Puwede ba kung samahan mo 'ko sa bahay?"

"Ano naman ang gagawin ko roon?" May namuong pawis sa noo ko.

"Ipapakita ko sa 'yo ang closet ko!" cheerful niyang sagot. Hindi ko siya kayang hindian dahil wala na talagang papantay sa kaligayahan na taglay niya ngayon. "Sounds fun, 'di ba?"

Wala akong ibang nagawa kundi tumango. May libre pa naman akong oras bago mag-alas singko ng hapon. Ang plano ko sana ngayon ay puntahan si Marynald sa mansyon nila, pero 'di ko magawang hindian si Hershly. Minsan lang siya humingi ng favor sa 'kin.

"Nasa mansyon niyo pa rin ba ang kuya mo?" kinakabahan kong tanong. Abay, nakakatakot 'yun! Masyado kong dinala ang sarili sa kahihiyan kanina! Tinawag ko siyang kuya!

"Sinong kuya ba kasi?" Hershly said using her teasing voice. "Si Spencer?"

"Si... Vaughn," pagsisinungaling ko na lang at yumuko. "Marahil ay wala si Spencer sa mansyon niyo ngayon. Nagkausap kasi kami kanina at sinabi niyang may meeting sila ng mga ka-blockmates niya roon sa Complex."

Mahina niya akong tinapik sa balikat at kinikilig akong tinanguan. Mas lalong namula ang mga pisngi ko. Ano'ng nakain ko at nasabi ko pa talaga sa kaniya 'yung tungkol sa pag-uusap namin ni Spencer? Sikreto lang dapat 'yun!

"Ang dami mo na pa lang alam tungkol sa kaniya," panunuya niya na naman sa 'kin. "By the way, tara na! Wait, nakapunta ka na ba sa bahay namin?"

Her last question made me literally stilled. Naalala ko 'yung araw na may adik na humabol sa 'kin kaya napunta ako sa isang garahe. Ang mas masaklap pa, nakita ako ni Spencer! Noong time na 'yun, 'di ako komportable kasi nasa madilim kaming lugar. I could not suppress my smile anymore. That was the time when Spencer gave me such an exquisite gift. Noong araw na 'yun, nakatanggap ako ng regalo galing sa kaniya.

"Mukhang malalim ang iniisip natin, ah?" pagpupukaw ni Hershly sa 'kin. "Mukhang dinala ka na ni Spencer doon!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya! She had chosen wrong words! Ang pangit kasi pakinggan ng salitang dinala, kung puwede namang pinasyal na lang.

Mas lalo akong pinanliitan ng mata ni Hershly. "Ewan ko sa buhay niyong dalawa. Basta tara na!" Hinila niya ako, at walang kaiimik-imik na lang akong nagpatianod.

Sandali lang naman ang naging biyahe. Buong biyahe ay kung anu-ano lang ang iniisip ko na halos 'di ko na namalayan na nasa harap na kami ng mansyon nila!

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon